12/06/2026
🇵🇭
Araw ng Kalayaan 2026 🇵🇭
Binabati ng Philippine Consulate General in Barcelona ang lahat ng Filipino sa ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.
Sa paggunita ng mahalagang araw na ito, sama-sama nating ipagdiwang ang ating mayamang kasaysayan, kultura, at mga tagumpay bilang isang bansa. Nawa'y patuloy nating pahalagahan ang kalayaan at pagkakaisa sa harap ng mga hamon at pagkakataon, patungo sa mas maliwanag na bukas.
Makiisa sa iba’t ibang araw ng pagdiriwang ng ating Filipino Community sa Palma De Mallorca, Valencia, Barcelona, at Zaragoza:
📍 PALMA DE MALLORCA
Sabado, 13 Hunyo 2026
5:00 P.M. – 9:00 P.M.
Centro Cultural La Misericordia, Palma de Mallorca, Spain
📍 VALENCIA
Linggo, 14 Hunyo 2026
3:30 P.M. Onwards
Polideportivo de Nazaret, Valencia, Spain
📍BARCELONA
Sabado, 20 Hunyo 2026
9:00 A.M. – 10:00 P.M.
Arc de Triomf, Pg. Lluís Companys, Ciutat Vella, Barcelona
📍 ZARAGOZA
Linggo, 21 Hunyo 2026
9:00 A.M. Onwards
Iglesia de Santa Rita Compound
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino sa Espanya! 🇵🇭🎉