04/07/2026
Bigyan kita konting history ng sitwasyon ni marcoleta ah, kase yung kokote mo matigas pa sa tindang yelo ng kapitbahay nyo eh. Hilong hilo kana na tila gusto mo pang sumama sa rally para magtanggol ng politiko.
Ganito lase yan,nung kakaassign palang ng noo’y bagong ombudsman remulla, pinabuksan muli yung mga SALN ng mga politiko na pinatago ni martires na inassign ni digong para walang makasilip ng SALN ng mga politiko.
May nakapansin na bakit ang declared SALN na inilabas ni marcoleta eh 50M lang samantalang sa SOCE na nilalabas ng mga nangangampangyang politiko eh 100+M. Pano nangyaring nakagastos sya ng 100M+ gayung ang ariarian nya ay worth 50M+ lang??
So, nangatwiran sya sa isang live interview ng kaalyado nya para pag takpan. Ang reason nya, na napanuod at ikinagulat ko talaga noon eh yung pag amin nya na meron daw talagang nag donate sa kanya ng worth 75M na mga kaibigan pero wag na daw banggitin😂🤣😅 dun palang sablay na, pero nung nakasuhan sa comelec na pwede nyang ikadiskwalipika nangatwiran ulit, nagpasa ng mga dokumento na hindi pa naman daw sya kandidato nung binigay yun. Okay naman sana yung nahanap na palusot base sa timeline ng kandidatura at pagtanggap ng 75M (syempre mga abogado yan hahanap ng butas sa batas para makalusot). Napilitan na din syang pangalanan sila Mike defensor (30M) at dalawa pang negosyante(45M). Ang kaso, hindi pa nga sya kandidato bilang senador nung tinanggap nya ang pera pero nakalimutan nyang Congressman pa sya nun. Public official. Kaya nagulat ako na sobrang tagal na hindi pa yan natanggal bilang senador. Eh pasok yang pagtanggap ng mga regalo sa kasong plunder even if public o private ang pinanggalingan nyan, dahil ang iniiwasan nga dyan ng batas na yan eh yung tatanaw ng utang na loob ang mga public officials dahil nabigyan sila ng pabor, pera, regalo o kung ano pa man. So, ang nakakagulat bakit ngayon palang sya kinasuhan ng plunder dapat noon pa! Yun ang dapat nasa kokote mo hindi yung kinukwestyon mo pa na bakit nakasuhan ng plunder. Ang tanong mo dapat, bakit ngayon lang samantalang sa bibig nya lahat nanggaling yan?. Even yung sinasabi nyang pagtanaw ng utang na loob. Ngayon ang tanong ko pa bukod sa bakit ngayon lang sya kinasuhan, eh yan bang 30M na tinanggap nya kay mike defensor sa maleta nakalagay o sa envelope nung hinatid sa kanya? WAHAHHA! Grabe kase yung pagsunod kay mike defensor eh. Halos dilaan na nya yung mga pwet ng 18 kargador eh. Curious lang. 💩💩💩