Ma'am Marg'z Page

Call Website Contact the business

Ma'am Marg'z Page School Purpose ; Buhay teacher : Content Creator : Maestrang Gala
(1)

Kahit sa 'inyong tingin ay 'di perpekto,Araw-araw man ay naiirita kayo,Sa dami ng utos at gawaing ito,Bati ninyo'y ramda...
05/10/2026

Kahit sa 'inyong tingin ay 'di perpekto,
Araw-araw man ay naiirita kayo,
Sa dami ng utos at gawaing ito,
Bati ninyo'y ramdam at nagpapatotoo.

Sana'y magpatuloy pagkilalang tapat,
'Di lang sa salita kundi sa gawa dapat.
Iparamdam nawa ang pagpapahalaga,
Sa pagsisikap ng g**ong nag-aaruga.

Sa simpleng pagpasa ng takdang aralin,
At sa pagsisikap na matuto rin,
Ito ang pinakamagandang regalo,
Na sa g**o ay maipagkakaloob ninyo.


Sa panulat at pindot, galit ay inilabas,Sa Facebook nag-post, Mababa ang grado ng sariling anak,Sa g**o agad ang sisi at...
20/09/2026

Sa panulat at pindot, galit ay inilabas,
Sa Facebook nag-post,
Mababa ang grado ng sariling anak,
Sa g**o agad ang sisi at bagsak.

Subalit tingnan ninyo ang buong klase,
Hindi naman lahat ay bumagsak ang parte.
Bakit ang g**o agad ang may kasalanan,
Kung ang sariling anak ay may pagkukulang din naman?

Kung mayroong pait at gustong linawin,
Harapin ang g**o at maayos na kausapin.
Huwag sa social media mag-ingay at mag-post,
Dahil sa pampublikong away, walang maidudulot.

Nang ipatawag ang PTA meeting upang mag-usap,
Ulit-ulit na lumiliban, ni hindi humarap.
Doon sana nalaman ang totoong sitwasyon,
Bago nagpadala sa galit at maling aksyon.



19/09/2026

Sulong, Kaagapay sa Pangarap

Sa bawat umagang gumigising nang maaga,
Baon ang pag-asang sa klase'y magdadala,
Hindi lang mga aralin ang ating inihahanda,
Kundi ang bukas ng bawat batang umaasa.

Tayo ang tanglaw sa gitna ng pagsubok,
Kahit paminsan-minsan ay napapagod at napupuyat sa sulok.
Sa bawat yeso, papel, at laptop na hawak,
Buhay ng kabataan ang ating hinuhubog at tinutulak.

Mabuhay ka, kapwa ko g**o, sa iyong walang sawang paglilingkod,
Ikaw ang tunay na bayani ng ating bayan at lingkod.
Maligayang Buwan ng mga G**o sa atin!


13/09/2026

Sana dumating na yung araw na yun

Sobrang paldo na tayo sa loan🤣🥺


Mukha ba kming bulatehin😅
30/08/2026

Mukha ba kming bulatehin😅


May ma icomment lang si anteh di muna nagbasa jusko pilipinas ano na😭😭😭 l
20/08/2026

May ma icomment lang si anteh di muna nagbasa jusko pilipinas ano na😭😭😭 l

Akala ko ba unity?Bakit ang mga tao nag aaway -away na?Bakit naninisi na? G**o lng ba ang may pagkukulang sa sakuna? Ang...
20/08/2026

Akala ko ba unity?
Bakit ang mga tao nag aaway -away na?
Bakit naninisi na?
G**o lng ba ang may pagkukulang sa sakuna?
Ang dami ko nababasang komento teacher ang puntirya?
Kanya kanyang puna,
kanya kanyang taktika,
Ito ba talaga ang paraan para ang problema ay maresolba?
O dapat panahon na para ibahin ang sistema?

-maam margz



MAY AWARDS PA RIN BA KADA END OF TERM?DepEd Order No. 015, s. 2026AWARDS & RECOGNITION FOR KEY STAGE 2 (Grades 4-6)1. AW...
09/08/2026

MAY AWARDS PA RIN BA KADA END OF TERM?

DepEd Order No. 015, s. 2026

AWARDS & RECOGNITION FOR KEY STAGE 2 (Grades 4-6)

1. AWARDS EVERY TERM
Ibigay ito sa end ng Term 1, Term 2, at Term 3

1. *With Honors*
- *Average:* 90.00 - 94.99
- *Requirements:* Walang failing grade sa kahit anong subject + walang derogatory record

2. *With High Honors*
- *Average:* 95.00 - 97.99
- *Requirements:* Walang failing grade + walang derogatory record

3. *With Highest Honors*
- *Average:* 98.00 - 100
- *Requirements:* Walang failing grade + walang derogatory record

*Important:* Alphabetical na ang listing, hindi na naka-rank by average para bawas competition

2. AWARDS EVERY END OF SCHOOL YEAR*
1. *Academic Excellence Award*
- Yung mga naka- *With Honors, With High Honors, With Highest Honors* for the whole school year

2. *Character Traits Awards*
- Para sa mga learner na nagpakita ng responsibility, honesty, respect, cooperation, etc.
- Hindi na nakabase sa grades lang

3. SPECIAL AWARDS*
- *Leadership Award*
- *Sports Achievement Award*
- *Arts Award*
- *Service Award*
- *Work Immersion/Research/Entrepreneurship Excellence* - para sa SHS pero may equivalent sa KS2

MGA MALALAKING PAGBABAGO vs DO 36 s. 2016:*
1. *No ranking* - Alphabetical na ang mga "With Honors" learners
2. *No awards for KS1* - Grades 4-6 lang pababa ang may academic awards
3. *Character Awards* - Mas binibigyang diin na yung values, hindi lang grades
4. *Requirements mas mahigpit* - Dapat walang failing at walang behavior issues

*Note:*
- *Descriptive na sa KS1* - Kinder to Grade 3 wala nang academic awards
- *Numerical pa rin sa KS2-KS4* - Grades 4-12 may numerical grades pa rin

Ctto

May Loan Monitarium nmn daw cher😅Sana may listahan din ng ayuda sa teacher naghihirap din po kmi sa dmi ng utang at  kal...
30/07/2026

May Loan Monitarium nmn daw cher😅

Sana may listahan din ng ayuda sa teacher naghihirap din po kmi sa dmi ng utang at kaltas



Address

San Jose Del Monte
3023

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ma'am Marg'z Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ma'am Marg'z Page:

Shortcuts

Share

Category