24/12/2021
๐๐๐๐
๐ถ๐ถBawat Pasko'y may dalang himala
Malakas man ulan ito'y titila
Bubuhos ang pagpapala may kapiling ang nangungulila
Anumang lungkot tayo'y aahon may lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa't isa'y mayrong paglingap
Mga pangarap ngayo'y magaganap
Laging masaya ang kwento ng Pasko
Kahit sino ka man may nagmamahal sayo
Ngayong kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko'y magkasama tayo...,,๐ถ๐ผ๐ต
Maganda't mapagpalang araw po sa ating lahat. Tanggapin po ninyong lahat ang aming pagbati nang isang masaya at napaka-makahulugang Pasko.
Tunay na napakahiwaga at dakila ng Pasko, God sees to it na maibigay sa atin yung mga ninanais ng puso natin. Kung saan, kung paano, kung kailan at kung bakit? Lagi Siyang may nakahanda para sa atin, in His time lahat nang makakapagbigay sa atin ng ligaya't saya ay kailanma'y hindi naging imposible. Kaya't tunay at nararapat na pasalamatan, papurihan at ipagdiwang ang Kanyang kapanganakan.๐๐
Thanks be unto God for His unspeakable Gift.โ โ 2 Corinthians 9:15๐๐
๐๏ธ๐"It's the most wonderful time of the year". Pinakamahalagang araw higit sa ating mga Pinoy, dito mas higit nating naipapakita at naipapadama sa kapwa natin ang ating pagmamahalan, pagpapahalaga at pagmamalasakit sa kapwa, higit sa ating mga mahal sa buhay. Hindi maitatanggi na sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan ay lubos na kaligayahan sa atin ang makita ang ating mga pamilya na maipadama sa kanila ang pagmamahal natin kahit sa napaka-simpleng bagay na kaya nating ipagkaloob at maibahagi sa ating mga mahal na pamilya.
Bilang sa amin na inyong laging ipinagkakatiwala ang gawaing ito na taos puso naman naming ipinagpapasalamat sa inyo higit sa mga panahong mga hindi natin inaasahan ang inyong naging malawak na pang-unawa at pagiging mahinahon sa lahat nang pagkakataon.
Sa pinagsama-sama at pinag-isa naming kakayahan at pakikipagtulungan sa lahat ng may kinalaman sa bagay na ito kasama ng aming buong pamilya at lahat ng kasamahan kasabay ng aming taimtim panalangin na ipagkaloob Niya sa ating lahat na mapasa-ating kamay ang mga ito ayon sa Kaniyang kalooban.
Batid namin ang halaga ng lahat nang ito, wala kaming ibang hinangad kundi kayo'y aming mapagsilbihan, maibalik sa inyo ang mas higit pa sa kung paano ninyo ipinadadama sa amin ang inyong pagmamahal at walang sawang pagtitiwala at paniniwala.
Sa araw na ito, nasa ating pangangasiwa na ang nag-uumapaw na mga biyayang ito. Sa ating bodega sa Antipolo sa tulong at sakripisyo nang ating mga pinagkakatiwalaang mga kamag-anakan ay naandun po ang apat (4) na container na punung-puno ng ating mga padala. Ito po ang mga bagaheng ating inialis mula dito noong September 27, October 04, 09, 11, 2021. Sa mga sandaling ito, sa halos isang libong kahon na nasa ating pangangalaga ay asahan ninyong bawat isa dito'y dumating nang nasa maayos na kalagayan at pinangangalagaan nang ating mga kasamahan at inihahanda para sa mabilisan at agarang paghahatid sa ating mga kapamilya.
Kaakibat nito, sa ganitong pagkakataon ay muli naming ipinapakiusap at buong kababaang-loob kaming humihiling sa inyo ng karagdagan pang lawak nang inyong pang-unawa sa kadahilanang sa karamihan ng mga kahon na ito ay baka hindi kami umabot sa inakala ninyong araw, subalit aming ipinaaalam na sa aming pakiusap sa aming kasamahan(delivery) na sa mga sandaling ito ay atin na pong inu-unti unti na ang pagbabahagi para sa inyong mga minamahal. Muli po naming ipapakita at gagawin ang lahat higit sa aming kakayahan na maihatid at maipadama ang aming pagmamahal.. Nawa'y laging patnubayan at laging maging ligtas ang bawat isa sa aming kasamahan sa lahat ng oras at pagkakataon. Alam namin ang haharapin nilang pagod at hirap bukod sa lahat ng kanilang sakripisyo higit ngayon na kahit sa araw ng Kapaskuhan, WE WILL CONTINUE TO DELIVER...
FYI
Sa mga susunod na mga araw ay inaasahan naman po nating darating sa atin sa Pilipinas ang mga kasunod na "SHIPMENTS" natin ng ating mga bagahe noong nakaraang October at November, 2021 as per shipping lines.
Please do bear with us, lahat po tayo'y nagnanais nang isang maligaya at matiwasay na pagdiriwang ngayong Kapaskuhan.
Sa anuman pong impormasyon na nais ninyong malaman ay lagi pong bukas kami sa anumang inyong mga katanungan. MARAMING-MARAMI PONG SALAMAT!