04/06/2026
A MESSAGE FROM ME, YOUR LEGIT TRAVEL AGENT
PLEASE READ UNTIL THE END
Gusto ko lang mag-share ng konting awareness para sa lahat ng travelers. Hindi lang ito para sa akin, kundi para rin ito sa lahat ng hardworking at legit Travel Agents na ginagawa ang lahat para matulungan at maalagaan ang kanilang
passengers. ❤️
Ako po bilang isang Travel Agent, kapag may nagtiwala sa akin para sa kanilang travel plans, hindi lang ito simpleng
“Search ng ticket, tanggap ng bayad, booked ng ticket, tapos bahala ka na.”
Dahil para sa akin, ang totoong serbisyo ay hindi natatapos pagkatapos ko lang ma-issue ang ticket at booking details ng passenger ko.
Kasama dito ang aking oras, effort, guidance, reminders, at assistance na kaya kong ibigay para matulungan ang bawat passenger na nagtiwala at magtitiwala po sakin. Gusto ko po talaga maging mas handa at magkaroon ng mas maayos na travel experience ang mga clients ko.
Ang goal ko ay hindi lang maka-pagbenta ng ticket at iba pang travel services. Ang goal ko po ay makita ko ang mga passengers ko na makaalis nang prepared, confident, at makarating nang maayos sa kanilang destination.
Pero syempre bilang travelers naman po, kailangan din nating maintindihan na may bahagi ng travel journey na hindi kontrolado ng kahit sinong Travel Agent. At ito po ay ang Immigration Officers and Immigration Interview.
Maraming travelers ang may iba't ibang experience sa airport tulad ng..
May iba na smooth at mabilis lang ang proseso. May iba naman na mas detalyado ang interview depende sa assessment ng Immigration Officer.
At minsan dito nagsisimula ang kaba ng passenger.
Tandaan po natin na, Kahit may preparation, kapag kinabahan, nag pa bago-bago ang sagot, hindi sigurado sa sariling travel details, o may information na kailangan pang linawin, maaari itong makaapekto sa resulta ng interview natin.
Kaya lagi kong pinapaalala sa aking passengers:
Alamin at intindihin ang sariling travel plans.
Maging kalmado at confident.
Maging consistent sa mga sagot.
Huwag magbibigay ng maling impormasyon.
Maging honest sa totoong purpose ng travel.
Isa rin sa madalas na hindi naiintindihan ng iba:
“Visa-free naman ang pupuntahan ko, bakit kailangan pa rin maging prepared?”
Ang VISA-FREE COUNTRIES ay nangangahulugan lamang na ang bansang pupuntahan natin ay hindi nangangailangan ng visa bago bumiyahe. Pero hindi ibig sabihin nito na automatic guaranteed na basta basta lang tayo makaka labas ng bansa natin sa Pilipinas.
Kahit visa-free destination, ang final assessment ay nasa Immigration Officer pa rin. Dito pumapasok ang trabaho ng isang responsible Travel Agent.
Ang trabaho namin ay hindi hulaan o kontrolin ang magiging resulta sa Immigration.
Ang trabaho namin ay tulungan kayong maging handa sa abot ng aming kaalaman at kakayahan para kayo ay maihanda para sa inyong travel.
Pero sana maintindihan din nati na,
Kahit gaano pa kaayos at kaganda o ka-sigurado ang preparation, ang final decision ay nasa Immigration Officer pa rin at wala po sa mga Travel Agent o sa Travelers.
Kung sakaling mangyari ang hindi natin inaasahan tulad ng offload, sana bago sisihin ang Travel Agent, alamin muna natin:
Ano ang naging dahilan?
Ano ang naging concern?
Ano ang nangyari sa mismong interview?
Dahil maraming Travel Agents ang tahimik lang pero nakabantay po sa inyo at nag iintay ng inyong balita kung kamusta po ba ang inyong Immigration Interview? Kung nakalampas na po ba kayo at papunta na po ba kayo sa Boarding gate?
At palagi po natin tandaan na hindi po biro ang effort ng Travel Agent.
Yung puyat sa paghahanap ng maayos na option.
Yung pag hahanda ng travel documents.
Yung paulit-ulit na reminders.
Yung pag-guide.
Yung pagsagot sa mga tanong ninyo kahit tapos na ang booking at marami pa pong iba.
Ginagawa namin ito dahil mahalaga sa amin ang tiwala at experience ng aming passengers.
Hindi kami Immigration Officer.
Hindi namin kayang i-guarantee ang approval sa airport.
Pero bilang inyong Travel Agent, kaya kong sabihin:
Hindi kita iiwan pagkatapos ng booking. Hindi lang about sa ticket ang serbisyong gagawin ko. Kasama po dito ang guidance, assistance, at malasakit para sa inyo hanggang sa ano man ang kaya ko pa ibigay at maitulong.
Sa bawat travel, teamwork tayo.
Preparation ng Travel Agent + Cooperation at Honesty ng Passenger = Mas magandang travel experience.
Sa Dream Trip Travel and Tours, We don’t just book your trip, we help you prepare for your journey. 😊
Oh sya, hanggang dito na lang.. For your future travel inquiries, feel free to message me po. Godbless