13/02/2026
Sa negosyo, hindi araw-araw panalo.
May araw na maganda ang kita.
May araw na malaki ang benta.
May araw na mahina at matumal.
May araw na puro rejection.
May araw na motivated ka.
May araw na gusto mo na lang sumuko.
Pero dito nasusukat ang tunay na galing ng Isang leader.
“When emotion is high, intelligence is low.”
Sa panahon na nahihirapan ka, marami kang problema at may galit o inggit sa puso mo ito ung time na hindi ka nakakapag isip Ng tama. Maraming maling desisyon ang iyong nagagawa. Isa na dito ang mag "QUIT".
Kapag hinayaan mong kontrolin ka ng disappointment, rejection, o pagod, madaling mawala ang focus mo sa goal. Madaling makalimot kung bakit ka nagsimula.
Pero tandaan mo — hindi ka nandito dahil lang sa feelings.
Nandito ka dahil may pangarap ka.
May pamilya kang gustong tulungan.
May lifestyle kang gustong maabot.
May version ng sarili mo na gustong umangat.
Sa bawat “NO,” may natututunan ka.
Sa bawat setback, mas tumitibay ka.
Sa bawat araw na pinipili mong magpatuloy kahit mahirap, mas lumalapit ka sa breakthrough mo.
Ang tagumpay sa pagnenegosyo ay hindi para sa mga taong pinaka-mabilis sumuko—
Para ito sa pinaka-matatag ang mindset at buo ang loob.
Kahit huminto na ang iba, Basta Ang importante ay mag patuloy ka.
Tandaan mo, hindi ka lumaban para matalo.
Ang goal mo ay manalo at maging inspiration Ng mga taong naniniwala sa yo.
Habang may mga taong naniniwala sayo, Wala kang karapatan na Hindi maniwala sa sarili mo.
Control your emotions.
Protect your vision.
Sumama ka sa mga taong positibo mag isip, iwanan mo ung mga taong negatibo bka hilahin ka pababa.
Stay consistent kahit mabagal ang resulta pero umuusad ka.
Minsan, ang biggest breakthrough mo… isang decision lang ang layo — ang decision na hindi ka magpapadala sa emosyon.
Keep going. Malayo pa, pero malayo kana. 👊