Tsuper Trike 2.0

Tsuper Trike 2.0 TRICYCLE DRIVER
Kalye serye ng aking pangarap

Pasahero : Manong pasakay poDriver : Saan po kayo mamPasahero : Sa dialysis center lang po pero susunduin pa natin ang n...
25/02/2026

Pasahero : Manong pasakay po
Driver : Saan po kayo mam
Pasahero : Sa dialysis center lang po pero susunduin pa natin ang nanay ko, magkano
Driver : Mamaya na po tayo mag usap sa pamasahe kapag naihatid ko na po kayo
(pagdating sa dialysis center)
Pasahero : Magkano po pamasahe
Driver : Ang singilan po namin mam sa ganyang sinusundo pa sa bahay ay special trip na, pero alam naman po natin na mahirap ang buhay ng mag dialysis araw-araw o ilang beses sa isang linggo
Pasahero : nakakahiya naman sa inyo manong inalalayan nyo pa si nanay makasakay
Driver : Huwag na po kasi parang emergency na po sakin yan, idagdag nyo nalang po sa dialysis ni nanay👍

DISKWENTO👍Driver : Lola, sakay po kayo Saan po punta ninyoLola : Sa Barangay lang, anak Magkano po pamasaheDriver : P50 ...
07/02/2026

DISKWENTO👍
Driver : Lola, sakay po kayo Saan po punta ninyo
Lola : Sa Barangay lang, anak Magkano po pamasahe
Driver : P50 po sana, pero para sa inyo lola discount po kayo, P35 na lang po
Lola : Hindi naman pwede, anak. Baka mawalan ka pa ng kita
Driver : Hindi po, lola. Basta senior citizen po may dicount at nakalagay po iyan sa aming taripa
Lola : Napakabait mo naman, anak. Eto oh kunin mo na 50 piso huwag mo na suklian idagdag mo na sa kinita mo
Driver : Hindi po pwede, lola Basta meron pong ID, discounted po kayo. Eto po sukli ninyo
(Nang makarating sila)
Lola : Maraming salamat, anak
Driver : Salamat din ho Ingat po kayo palagi. Basta't kailangan ninyo sumakay, hanapin ninyo lang ako dito sa terminal
(Nang umalis na si Lola, may sumakay na babae)
Babae : Manong pasakay po, bigyan kita 150 hatid mo ko sa bangko
Driver : Laki naman nito mam 20 pesos lang hatiran namin don
Babae : Narinig ko kasi yung usapan ninyo ni lola, nagparaya ka sa kanya kaya natuwa ako sayo👍

06/02/2026

Ako si Tsuper Trike ang Tricycle Driver ng Calamba City, Pasuporta guys ng aking page kung paanong sinuportahan nyo ako sa isa kong facebook account👍

Address

Mabolo Street Purok 3
Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tsuper Trike 2.0 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share