24/08/2026
TINGNAN | CPA-CDC nakiisa sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa
Nakiisa sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ang Cebu Port Authority-Child Development Center (CPA-CDC) na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon” na ginanap ngayon ika-24 ng Agosto sa CPA Social Hall A.
Dinaluhan ang naturang pagdiriwang nina GM Kit Comendador, Bb. Leah Seno ng CPA Admin Division, mga g**o, mag-aaral at kanilang mga magulang.
Sa pagsimula ng selebrasyon, nagbigay ng pambungad na pananalita si Bb. Leah Seno, GAD Focal Point System Chairperson na kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagdiriwang, na isa itong pagkakataon para ipaalala sa lahat na mahalin, magkaisa at tangkilikin ang sariling atin.
Nagsuot ng mga tradisyonal na kasuotang Pilipino ang bawat mag-aaral at nagpakita sa kanilang talento sa pamamagitan ng pagsayaw ng Itik-Itik. Naglaro din sila sa ginanap na Larong Pinoy na nagdagdag ng saya at sigla sa selebrasyon.
Nagtapos ang programa sa pagbibigay ng pangwakas na pananalita ni Bb. Laarni Flores, Child Care and Health Committee Chairperson. Binigyang-diin niya na ang pagmamahal at pagtataguyod sa sariling wika ay isang panghabambuhay na pananagutan. Nagpaabot din siya ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng sumuporta at nakilahok upang maging matagumpay ang Buwan ng Wika ngayong taon.
Paalala: Ang mga larawan ay may pahintulot ng kanilang mga magulang.