15/07/2026
📦 PAALALA MULA SA FLASH EXPRESS CORON 📦
Mga ka-Flash, para sa maayos at ligtas na delivery, narito ang mahahalagang paalala:
✅ Bayad muna bago ang parcel. Ito ang polisiya ng Flash Express para sa lahat ng COD parcels.
🚫 No Open Policy. Hindi maaaring buksan ang parcel bago ito mabayaran at matanggap. Ito ay upang maprotektahan ang buyer, seller, at rider.
🛵 Ang Flash Rider ay tagahatid lamang ng inyong parcel. Wala po siyang kinalaman sa laman, kalidad, o kondisyon ng inyong inorder. Kaya naman, hinihiling namin ang inyong pag-unawa at pakikiisa na igalang ang aming mga rider at bayaran sila nang tama ayon sa halagang nakasaad sa inyong order.
📹 Kung may concern o nais i-return ang parcel, buksan ito habang naka-video bilang ebidensya. Ang video na ito ang magsisilbing suporta sa inyong return o refund request.
📦 Ang customer ang magpo-process ng return request. Makipag-ugnayan lamang sa seller o sa platform kung saan kayo umorder at ipadala ang video ng pagbubukas ng parcel. Ang Flash Express rider ay hindi ang nagpo-process ng return at hindi rin siya ang mananagot sa anumang isyu tungkol sa laman ng parcel.
Maraming salamat sa inyong tiwala at kooperasyon. Sama-sama nating panatilihing maayos, ligtas, at patas ang bawat delivery.
⚡ Flash Express Coron – Mabilis, Maaasahan, at Tapat sa Serbisyo! 💛📦