17/07/2026
MGA PINOY, MAS SATISFIED SA PERFORMANCE NI VP SARA VS BBM
Umakyat sa +31 ang net satisfaction rating ni Vice President Sara Duterte, batay sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Hunyo 20β29, 2026.
Sa survey, 58% ng mga respondent ang nagsabing satisfied sa performance ng Bise Presidente, 26% ang dissatisfied, at 16% ang undecided. Ayon sa SWS, ang +31 ay nasa antas na "good," mas mataas ng 2 puntos kumpara sa +29 noong Marso 2026.
Samantala, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagtala ng -7 net satisfaction rating, kung saan 38% ang satisfied, 45% ang dissatisfied, at 17% ang undecided. Bagama't tumaas ito mula sa -15 noong Marso 2026, nananatili itong nasa antas na "neutral," ayon sa SWS.