08/06/2026
✈️ CEBU PACIFIC HAND-CARRY REMINDER 🧳
Akala ng marami, basta pasok sa 7kg ang hand-carry luggage ay okay na.
Pero tandaan:
❗Hindi lang timbang ang chine-check ng airline.
❗Mahalaga rin na pasok ang luggage sa allowed size limits.
📏 Cebu Pacific Hand-Carry Size Limit:
LxWxH: 56cm x 36cm x 23cm | 22" x 10" x 14"
Sa ilang airport, maaaring ipasok ng ground staff ang hand-carry luggage sa baggage sizer para matiyak na pasok ito sa allowed dimensions.
Kapag hindi kasya sa baggage sizer, maaaring i-require na i-check in ang bag at magkaroon ng karagdagang bayarin.
━━━━━━━━━━━━━━━
✅ Bago bumiyahe, siguraduhing:
• Pasok sa 7kg hand-carry allowance
• Pasok sa size limit na 56cm x 36cm x 23cm (22" x 10" x 14")
• Hindi sobra ang dami ng dala
• Nasa tamang bag ang mga liquids at gadgets
━━━━━━━━━━━━━━━
💡 TRAVEL TIP:
Huwag umasa na dahil pinayagan ang luggage mo sa nakaraang flight ay automatic na papayagan ulit ito sa susunod.
Maaaring magkaiba ang implementation depende sa airport, flight load, at security checks.
Mas mabuting siguraduhing pasok sa official size at weight limits para iwas abala at dagdag gastos sa airport.
CTTO.