27/03/2022
TIPS po sa mga gusto magnegosyo online:
1. PLEASE DO NOT COMPLAIN ABOUT THE SHIPPING FEE.
Mas mahal at maeffort ang ikaw ang bumyahe at mamasahe plus magbubuhat ka pa ng mga pamimili mo lalo na kung manggagaling ka pa ng probinsya. Mahal ang eroplano, mahal din mag barko maski bus. Kung may kotse ka naman, mahal din ang toll fee. Natural lang ang shipping cost dahil hindi maglalakad ang produkto papunta sayo. At lalong walang magbubuhat ng libre para sayo.
Kung pareho naman kayong taga Maynila ng seller, ganun din naman, hindi rin lalakad ang produkto papunta sayo. Pwede ka namang magdrop by sa shop na bibilhan mo pero ayaw mo ng hassle diba kaya gusto mo magpa ship na lang.
So kung ayaw mo ng hassle, natural magbayad ng shipping cost. Sa panahon naten ngayon na puro online na lahat, natural lang na sumingil ka din ng shipping cost sa magiging customers mo. Hindi mo ikakalugi ang shipping cost. Mag compute ka lang ng tama. Kung palaging LUGI ang nasa isip mo, wala ka pang nauumpisahan lugi ka na talaga. 😂
2. CHANGE THE WAY YOU THINK.
- Kung gusto mo talaga magnegosyo, wag kang nega, mali na isipin mong marami ka ng competitors, baka di ka na kumita. Anong negosyo ba ang walang competitors? Lahat ng patok na negosyo talagang maraming kumpetensya. Mag isip ka kung anong strategy gagawin mo para makasabay ka. Ang laki ng population ng Pinas, ang dami mong pwedeng bentahan. Be positive always!