27/04/2026
𝐎𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆
Isa pong kasinungalingan ang pahayag ni Cong. Leandro Leviste na ako ay may sinabihan na hindi sila pwedeng makakuha ng SCPF program ng Pangulo dahil “tampo” si Governor Vilma Santos Recto.
Ang katotohanan dito ay may mga Kapitan mula sa unang distrito ang humingi ng paumanhin dahil hindi sila makakapunta dahil sila ay pinigilan at tinakot dumalo ng kanilang Congressman. Lingid sa kaalaman ni Cong. Leandro Leviste, kahit sila ay pinigilang dumalo, tumulong pa din po ang opisina natin upang maproseso ang kanilang mga dukomento sa Opisina ng ating Pangulo.
Ako po ay nakiki-usap na sana po huwag ipitin o gamitin sa pamumulitika ang mga kapwa kong Kapitan.
- 𝐊𝐚𝐩 𝐅𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧 𝐑𝐨𝐜𝐚𝐟𝐨𝐫𝐭
𝘈𝘉𝘊 𝘗𝘳𝘦𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵
𝘗𝘳𝘰𝘷𝘪𝘯𝘤𝘦 𝘰𝘧 𝘉𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘢𝘴