15/10/2026
DIOS NOON, DIOS SA NAKARAAN, DIOS SA KASALUKUYAN, DIOS NA DARATING , AT DIOS MAGPAKAILANMAN.; ANG BIBLIYA AY NAGLALARAWAN NG IBA'T IBANG PANAHON AT KAGANAPAN. KAYA ANG SALITA NG DIOS AY HINDI KAILANMAN MAUUNAWAAN NG MGA TAO. AT ITO ANG DAHILAN KAYA IPINANGAKO NG CRISTO JESUS NA PANGINOON ANG PAGPAPADALA NG ESPIRITU NG KATOTOHANAN. LAYUNIN NITO NA ISAKATUPARAN ANG PAGHAHANDA SA GAGAWIN NG DIOS NA PAGLILIGTAS SA MGA TAO MULA SA MGA NAUNANG BINUHAY HANGGANG SA MGA HULING BINUHAY. ISA RIN SA LAYUNIN NIYA ANG PAGHAHAYAG SA LAHAT NG BAGAY , KABILANG ANG MGA PLANO AT LIHIM NG DIOS MULA PA SA SIMULA , BAGO PA MALIKHA ANG LAHAT AT ITO AY KATUPARAN SA PAHAYAG NG CRISTO JESUS NA PANGINOON.;
(maraming bagay pa sana akong gustong sabihin sa inyo, subalit hindi pa ito ninyo kayang tanggapin ngayon.) (ipapadala ko sa inyo mula sa ama ang espiritu ng katotohanan bilang kapalit ko. siya ang magiging tagapanguna ninyo, siya ang magsasabi sa inyo sa lahat ng mga bagay. siya ang magsasabi sa inyo kung sino at ano ako.)
"WALANG AMA NA HINDI NAKAKAKILALA SA ANAK. AT WALANG ANAK NA HINDI NAKAKAKILALA SA AMA, AT SA MGA PINILI NG ANAK NA PAGPAHAYAGAN NIYA NITO.
ANG MGA KAGANAPAN NG KASAYSAYAN SA IBA'T IBANG PANAHON. ANG BAWAT KAGANAPAN AY MAGING SA MAGAGANAP PALANG AT SA DARATING AT HINAHARAP AY MAY ITINAKDANG PANAHON ANG DIOS SA MGA NAIS NIYA MANGYARI , AT NAIS NIYANG PANGYARIHIN. (ang mga tao ay limitado ang kapangyarihan sa paglikha, maging ang kakayanan at kaisipan. kaya kung kaligtasan ang nais ng sinuman , huwag ito edepende sa kapwa tao, sa mga simbahan at mga relihiyon. dahil ang kaligtasan ay itinakda ng dios sa panahong ito ay dapat niyang isakatuparan. at ito ang nasusulat na maging ang anak ng tal at ang mga anghel ay di alam kung kailan ekasaktong paririto ang cristo jesus na panginoon. sapagkat ang lahat ay itinakda niya sa sarili niyang kapangyarihan. kaya ang susi ukol sa kaligtasan ay ang espiritu ng katotohanan.
1. NOON;
ANG DIOS ANG PASIMULA , AT ANG DIOS
AY WALANG WAKAS;
(ito ay mananatiling lihim sa mga hindi niloob ng dios na makaunawa.sila ang mga taong nasusulat na makinig man sila ng makinig ay di sila makakaunawa sapagkat binulag sila ng kasinungalingan. ang katotohanan ukol dito ay ang dating matiwasay, mapayapa, at masayang pamumuhay ng mga nilalang na nilikha ng dios at binigyan ng buhay. ito ang unang paglikha sa mga anak ng dios sa pamamagitan ng pagiging bunga ng espiritu. ang orihinal na kalagayan ng mga anak ng dios bilang mga kaluluwa at espiritu na ang mga katawan ay banal at walang kabulukan. isang malaking bahagi ng kasaysayan ng buhay na kasama ang dios, bago pumasok ang kasalanan mula sa tukso ng isang nilalang na pinagharian ng inggit, at naghangad ng karunungan, buhay , at kapangyarihan upang higitan ang dios , na siyang pinagmumulan ng lahat ng mga nabubuhay na may buhay.)
"KUNG GAANO KALAYO ANG PAGITAN NG LANGIT AT LUPA, GANOON DIN KALAYO ANG INYONG KAISIPAN , SA AKING KAISIPAN. ANG KAPARAANAN NINYO AY HINDI KO KAPARAANAN. "
2. NAKARAAN:
ANG DIOS SA PASIMULA
AY SIYA RING DIOS SA NAKARAAN.
ITO ANG UNANG SIMULA NG PAMUMUHAY NA MULA SA ORIHINAL NA KALAGAYAN NA INI-LARAWAN BILANG UNANG PAMUMUHAY . ANG PANAHONG ITO AY MAY DALAWANG URI NG MAKASAYSAYANG KAGANAPAN. ITO AY MULA SA ORIHIN NA PAGKALIKHA TUNGO SA IKALAWANG PAGLIKHA. KUNG SAAN MULA SA DATING MAPAYAPA, MATIWASAY, AT MASAYANG PAMUMUHAY AY NAPALITAN NG KAGULUHAN , KAWALAN NG V
HUSTISYA SA KATARUNGAN PARA SA KAPAYAPAAN. ITO ANG SIMULA NG MGA TAO SA PAMUMUHAY NG KAHALAYAN, KASALANAN, AT KASAMAAN . ITO ANG UNANG KAMATAYAN NG LAHAT MULA SA MAGKAHIWALAY NA ASPETO AT KALAGAYAN NG ORIHINAL NA UNANG PAGLIKHA, TUNGO SA IKALAWANG PAGLIKHA. SA ORIHINAL NA UNANG LIKHA AY NAMATAY ANG ESPIRITU AT KALULUWA , KAYA NAWALA SILA SA DATI NILANG KALAGAYAN AT KINALALAGYAN. ANG UNANG PAGKAMATAY MULA SA ORIHINAL NA PAGKAKALIKHA, ANG SIYANG DAHILAN NG PAGKAKABIHAG NG MGA KALULUWA O BUHAY NA MULA SA DIOS, PATUNGO SA KAILALIMAN NG LUPA .
(sa ilalim ng lupa sa libingan ng mga buhay ay sumikat ang liwanag. ang mga dating nasa kadiliman ngayon ay maliliwanagan na . ang lugar na ito ay ang kasalukuyang panahon, ang tinatawag na sanlibutan. )
"DARATING ANG PANAHON NA ANG KARUNUNGAN NG SANLIBUTAN AY HIHIYAIN KO"
3. KASALUKUYAN; ANG DIOS SA PASIMULA, AT SA NAKARAAN, AY SIYA RING DIOS SA KASALUKUYAN. MATAPOS LIPOLIN NG DIOS ANG LAHAT NG MGA TAONG NAHIKAYAT NG PAMUMUHAY SA KASALANAN AT KASAMAAN. ISINUMPA NG DIOS NA HINDING HINDI NA NIYA LILIPOLIN ULIT SA MALAKIBG BAHA ANG LAHAT NG MGA NILIKHA NIYA . AT ITO ANG SIMULA NG UNANG TIPAN NA NAGANAP SA PAGITAN NG DIOS AT SA KANYANG LINGKOD NA SI NOE. KASABAY NITO ANG AY ANG PANGAKO NG DIOS NA MULI NIYANG BUBUHAYIN ANG MGA PATAY.
(ito ay ang pagbuhay sa lahat ng mga nilikhang nilalang mula sa orihinal na unag paglikha.)
"SA SILONG NG LANGIT , WALANG IBANG MAGLILIGTAS SA MGA TAO , KUNDI ANG PANGALANG CRISTO O MESIAS"
ITO AY UKOL SA KATUBUSAN NG MGA MGA UNANG NAMATAY, DAHIL SA PAMUMUHAY NA MAKASALANAN AT SA KASAMAAN. ANG HANDOG AT ALAY PARA SA MGA KALULUWANG NALIBING SA ILALIM NG LUPA AU AY ANG PAG AALAY NG BUHAY NA MALINIS, WALANG BAHID NG KASALANAN AT KASINUNGALINGAN. ANG PAG AALAY NG BUHAY PARA SA KATUBUSAN NG MGA NAMATAY. ANG PANGAKONG MULING BUBUHAYIN ANG MGA NAMATAY TINUPAD NG DIOS, ANG KANYANG PANGAKO. SUBALIT ANG MGA NAUNANG BINUHAY AY HINDI KINILALA ANG DIOS . NANAOG SA LUPA ANG DIOS MULA SA LANGIT SA PAMAMAGITAN NG KANYANG KAPANGYARIHN NA ESPIRITU. ANG LAYUNIN NG DIOS NOONG SIYA AY MANAOG MULA SA LANGIT AY SUNDUIN ANG MGA NAUNANG MULING BINUHAY MULA SA KAILALIMAN SA LIBINGAN NG MGA PATAY, PAPUNTA SA IBABAW NG LUPA . PERO IILAN LANG ANG SUMAMA SA KANYA PABALIK SA IBABAW NG LUPA, IILAN LANG ANG KUMILALA AT SUMUNOD SA KANYA. KAYA ANG GANAP NA KALIGTASAN SA PAGBUHAY MULI NG MGA PATAY AY NAHATI SA DALAWANG MAGKAHIWALAY NA PANAHON AT KAGANAPAN , NANGYARI ITO DAHIL HINDI SIYA KINILALA NG MGA NAUNANG BINUHAY , ANG KASALUKUYANG MGA BINUHAY NAMAN AY NAGPATULOY ULIT SA DATI NILANG PAMUMUHAY , ANG PAMUMUHAY SA KASALANAN AT KASAMAAN. KAYA ANG UNANG KALIGTASAN SA PAG BUHAY SA LAHAT NG MGA NAMATAY AY NAKAMIT NA. PERO PARA SA BUHAY NA WALANG HANGGAN NA MAY KATAWANG WALANG KABULUKAN , ANG PAGKAMIT SA MGA YON AY NANGANGAILANGAN NG PAGSISISI , PAGBABALIK LOOB SA DIOS, AT ANG SUSI PARA MAPATAWAD ANG MGA KASALANAN NG MGA TAO AY ANG PAKIKIPAG ISA NG MGA TAO SA KANYANG ANAK. SIYA ANG ISINUGO PARA SA PAGBIBIGAY NG PAGKAKATAON NA ITUWID NG MGA TAO ANG KANILANG MGA PAGKAKAMALI MULA PA NOONG UNA. KASALI DITO ANG MGA NAMAHINGA NA PERO DI NAKAPAGSISI AT AT DI NAKAUNAWA. AT SA LAHAT NG MGA BUHAY PA. ANG SINUMANG KIKILALANIN ANG DIOS PARA SA ANAK , SIYA AT ANG MGA NAMAHINGA NIYANG MGA MAGULANG AT MGA KAPATID AY MAKAKASAMA NIYA SA PAGKAKAMIT NG TAGUMPAY. IYON ANG GANTIMPALANG SINABI NG DIOS NA HINDI PA SUMAGI SA ISIPAN NINUMAN MAN ANG GANTIMPALANG IPAGKAKALOOB KO SA LAHAT NG MAGTATAGUMPAY.
KAYA SA LAHAT NG MGA TAO NG KASALUKUYANG PANAHON, LAHI , WIKA AT BANSA. ANG TOTOONG KAHULUGAN NG CRISTO O MESIAS AY DIOS O TAO , ESPIRITU O LAMAN. AMA O ANAK.
ANG GRIEGO AT HEBREO NA DALAWANG MAGKAIBANG LAHI AY IISA ANG NAGING PAGTURING SA CRISTO O MESIAS. TINAWAG NILA ITONG PANGINOON . ANG TOTOONG IPINAPAUNAWA SA PAGBANGGIT SA DALAWANG LAHING GRIEGO AT HEBREO SA PAGBIBIGAY NG KAHULUGAN AY ANG PAGBIBIGAY UNAWA SA DALAWANG URI NG KALIGTASN , MULA SA PATAY AT PAGBUHAY MULI. AT MULA SA PAGBUHAY MULI TUNGO SA BUHAY NA WALA NG KAMATAYAN.
NAKAMIT NG MGA PATAY ANG MULING PAG BUHAY DAHIL SA BANAL NA BUHAY AT KATAWANG WALANG BAHID NG KASALANAN AT KASAMAAN NA INIALAY AT INIHANDOG. AT NAKAMIT ITO SA "CRISTO"
PARA MAKAMIT NG MGA BINUHAY MULI ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN. ANG KAILANGANG HANDOG AY DUGO AT BUHAY. DUGO PARA SA IKAKAPATAWAD SA LAHAT NG MGA KASALANAN. AT ANG BUHAY AY PARA SA BUHAY NA WALANG HANGGAN. ITO AY PARA SA MISYON NG MESIAS.
DIYAN MATUTUPAD ANG NASUSULAT;
SA SILONG NG LANGIT , WALANG IBANG MAGLILIGTAS SA MGA TAO KUNDI ANG CRISTO O MESIAS.
(mesias ANG HULING TIPAN. para sa paghahandog ng dugo at buhay, sa ikakapatawad at ikalilinis ng mga kasalanan, at upang makamtan ng lahat ang buhay na walang hanggan. )
KAYA NASUSULAT TUNGKOL SA ANAK"
" AKO ANG DAAN, ANG BUHAY AT ANG KATOTOHANAN WALANG SINUMAN ANG MAKAKAPUNTA SA AMA, KUNDI SA PAMAMAGITAN KO."
4. DARATING:
ANG DIOS SA PASIMULA, DIYOS SA NAKARAAN , DIOS SA KASALUKUYAN, AY SIYA RING DIOS NA DARATING AT SIYA AY MAHAHAYAG SA ANAK NG TAO MAGING ANG ANG KANYANG KAPANGYARIHAN.
MGA KAGANAPANG DARATING AT SA HINAHARAP;
*PAG AARAL SA PAMUMUHAY NA MATUWID
*LARAWAN NG PAGKAKAHATI NG DALAWANG KAHARIAN, AT ANG HULING LABANAN SA KASINUNGALINGAN AT KATOTOHANAN.
5. DIOS MAGPAKAILANMAN.; ANG PAG KAKAISA SA IISANG KATAWAN NA BANAL . BNAL NA AMA, BANAL NA ANAK , AT BANAL NA ESPIRITU. ( ito ay katawan ng anak kung saan nanahan sa kanya ay ang salita ng ama, at ang kapangyarihan ng ama ang banal na espiritu ang siyang pumapatnubay sa salita ng ama na nasa anak. Kaya sa dakilang araw na pagbabalik ng anak ng tao ay makikita ng lahat na taglay nito ang kaluwalhatian ng ama at ang dakilang kapangyarihan.
(Panahong darting ; sakop nito ang huling araw hanggang sa araw ng huling paghuhukom at sa huling paghahatol.)
MULA SA HANGARIN NG MGA TAO NON NA MAGKAISA LABAN SA DIOS, NAGTAYO SILA NG ISANG SAMAHAN AT ISANG GUSALI NA AABOT HANGGANG LANGIT. IYON ANG TORRE NG BABEL.
DOON AY MALINAW MONG MABABASA NA SA SIMULA AY IISA ANG WIKA NG LAHAT NG TAO SA BUONG DAIGDIG (kung dika tao na nabuhay dahil sa dios ang sasabihin mo ay di kassli ang pilipinas at di kasali ang pilipino )
SA PASIMULA ANG LUPA AY WALANG ANYO (ang tinutukoy dito ay ang mga kaluluwang nilipol at mga namatay sa baha, wala silang anyo dahil wala silang katawan)
DILIM ANG BUMABALOT SA KAILALIMAN (isang pagpapaunawa na lahat ay galing sa kadiliman at nabihag ng kadiliman larawan ito ng unang kamatayan ng lahat ng mga tao )
ANG ESPIRITU NG DIOS AY KUMIKILOS SA IBABAW NG TUBIG; (ito ang kapangyarihan ng dios na sumusunod sa lahat ng salita at utos niya, at ito ang nagsasagawa sa lahat ng nais ng dios. ang posisyon ng banal na espiritu sa ibabaw ng tubig ay malinaw na nagpapaunawa sa lahat na ito ang humango o nag ahon sa lahat ng mga kaluluwang nasa ilalim ng tubig, ito ang luminis sa mga maruruming kaluluwa noong sila ay nabubuhay pa, ang pamumuhay nila sa kahalayan kasalanan kasamaan at ang di pagkilala sa diyos o kawalan ng pagkilala sa dios , iyon ang naging sanhi ng unang kamatayan ng mga tao. )
LIKHAIN NATIN ANG TAO AYON SA ATING WANGIS. LARAWAN, HUGIS O ANYO.
(ito malinaw na pagpapaunawa kung paano isinagawa ng dios ang muling pag buhay sa mga kaluluwang mga namatay sa malaking baha na nasa ilalim ng tubig kung saan naroon sa ibabaw ang espiritu ng dios.)
MULA SA ALABOK AY LUMIKHA O NILILOK NG DIYOS ANG KATAWAN NA TULAD NG KANYANG LARAWAN (sa simula ang tao o lupa ay walang katawan hugis anyo, dahil ang kaluluwa ay gaya ng hangin)
PAGKATAPOS ILILOK ANG KATAWANG MULA SA ALABOK NA MAY ANYONG KALARAWAN NG DIOS O GAYA SA ANYO NG DIOS. HINIPAN ITO NG DIOS SA BIBIG AT ILONG , PAGKATAPOS ANG LUPA AY NAGING KALULUWANG BUHAY , AT ITO AY TINAWAG NA TAO.(ang unang likha na inilalarawan kay adan ang sumasalamin sa bugtong na anak ng dios, kaya sa pasimula ay naroon ang dios, ang espiritu, at ang nag iisang anak ng dios, at nilikha ang buong daigdig para sa kanya, kaya sabi sa nasusulat naroon na siya bago pa malikha ang lahat, pero ito ay larawan o sumasalamin lamang sa isang tunay at totoong pangyayari noon bago nagkaroon ng unang kamatayan ang mga tao , at bago sila naging tao)
SA ISANG LIHIM NA PANAHON , AT LIHIM NA KAGANAPAN , SA AKLAT NA IBINIGAY KAY EZEKIEL AT JUAN AY NAKAPALOOB DOON ANG ISANG KASAYSAYANG DIOS SA NOON, DIOS SA NAKARAAN, DIOS SA KASALUKUYAN, DIOS NA DARATING, AT DIOS MAGPAKAILANMAN. (ang kasalukuyang panahon ay dios na darating, unang yugto ng mesias ikalawang tipan. Dahil ang dios sa nakaraan ay hindi kinilala o nakilala ng ng mga kaluluwang dating walang hugis o anyo, sila ang mga kaluluwang inanyuan at binigyan ng katawan. Sila ang mga tao sa nakaraang panahon ang unang tipan ang cristo, kaya malinaw ng mauunawaan na ang ipinako noon ay ang cristo ang diyos mismo.; at nangyari yon para sa katubusan ng mga nawawalang tupa ng dios o mga anak ng dios. at ang mga tao sa panahong ito ang pinag alayan ng dios ng sakripisyo ng buhay pero nakakalungkot na hindi parin siya kinikilala gaya ng mga taong nauna niyang binuhay ) (kung susuriin mong maige ang pangyayari namatay lahat ang mga binuhay na noon na binigyan ng katawang lupa, at binago ng dios ang panahon, kung saan sa kasalukuyang panahon ay isinisilang na mula sa mga sinapupunan ng mga kababaihang nagbubuntis ang mga tao at dina direktang sa lupa nagmumula ang katawan. Ito ay isang panibagong paraan ng pagpapakilala ng dios sa lahat ng mga taong binuhay niya noon na walang pang unawa at pagkilala sa kanya) (kaya ang nakaraan at kasalukuyang panahon at ang darating ay bahagi ng salitang nasusulat : pagwawatak watakin ko kayo at ipapangalat sa buong daigdig, at muli ko kayong titipunin sa takdang panahon at bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu upang sundin ninyo ako at ako ang inyong magiging dios) (ang israel ay tumutukoy sa mga anak ng dios at sa isang bansa, kaya ang salita ng dios ay di kailanman mauunawaan ng tao lang, gaya ng nasusulat WALANG AMA ANG HINDI NAKAKAKILALA SA AMA KUNDI ANG ANAK, AT WALANG NAKAKAKILALA SA ANAK , KUNDI ANG AMA)
ANG BABILONYA AY NAGLALARAWAN SA ISANG DAIGDIG NA NAGLAHO MATAPOS MAGKAROON NG PAG AAKLAS LABAN SA DIOS, ANG LABANAN NG KABUTIHAN AT KASAMAAN NA PINANGUNAHAN NI LUCIFER ISANG ANGHEL NA ITINURING NG DIOS NA ANAK. AT PINAGKATIWALAANG MAGBANTAY SA DAIGDIG PARA SA MGA ANAK NG DIOS. PINAGHARIAN NG INGGIT ANG ANGHEL , DAHIL IGINAWA NG DIOS ANG TUNAY NA ANAK NG SARILING TIRAHAN O DAIGDIG ANG KANYANG MGA ANAK. (ang naunang namatay sa bibliya ay inilalarawan kay cain at abel) (ang alibughang anak naman ay larawan ng pagkainngit na siyang naghari kay lucifer)
ANG KASALUKUYANG PANAHON , LARAWAN NG DATING PANAHON , SA MGA DATING NANGAYRI , AT NAGANAP. KAYA NASUSULAT : GAGAWIN KO SA INYO ANG GINAWA KO SA INYONG MGA NINUNO NOONG SILA AY NASA ILANG PA. (paano ba pinarusahan ng dios ang mga tao noon at sa nakaraan? sa unang pagkabuhay ang mga tao noon ay umaabot halos isanlibo ang mga edad. sa kasalukuyang panahon ay 100 nalang , pinaikli ng dios ang panahon para matiyak na kasama tayo sa maililigtas. at kaligtasan ngayon ng mga tao nakasalalay sa pagtuturo ng panginoong jesus upang kilalanin ang cristo bilang nag iisang dios, kung walang maniniwala sa anak , ang parusa ay walang katapusan)
MULA SA BANSANG ISRAEL KUNG SAAN NAROON ANG JERUSALEM AT ANG KANYANG TEMLPLO NA SIYANG DAKONG BANAL.; UMALIS ANG KALUWALHATIAN NG DIOS AT NAGPUNTA SA BUNDOK SA GAWING SILANGAN.: (kaya ang pilipinas ay maglalarawan ngayon sa bagong daigdog bagong langit at lupa.; sa pilipinas magmumula ang katotohanan o liwanag para sa lahat ng bansa, lalo na sa bansang israel)
KAYA ANG SINUMANG BANSA O TAO ANG MAGPAPAHAYAG SA KANYANG BIBIG NA ANG G**O NIYA AT PANGINOON AY ANG CRISTO JESUS NA PANGINOON , ANG TATAK NG DIOS AY MAPAPASAKANYA.
PERO KUNG IBA ANG KATURUAN, IBA ANG NAGTUTURO, SIMBAHAN AT RELIHIYON ANG KINIKILALA AT PINAPAHALAGAHAN NA GINAGAMIT LANG ANG SALITANG IPINAHAYAG NG CRISTO JESUS NA PANGINOON, ANG TINAKDANG PARUSA AY KAPARUSAHANG WALANG HANGGAN. AT BUHAY NA WALANG HANGGAN NAMAN PARA SA MGA KIKILALANIN ANG CRISTO NA PANGINOON BILANG NAG IISANG DIOS.
ANG TESTAMENTO SA LUMANG TIPAN AY NAGPAPATUNAY NA PINAGTIBAY ITO SA WALANG DUGO. AT KUNG WALANG DUGO AY WALANG KAPATAWARAN SA MGA KASALANAN.
ANG KALIGTASAN SA PARUSA NG DIOS NG MGA NAUNA AT SA MGA BUHAY PA SA KASALUKUYAN AY NAKASALALAY SA PANINIWALA SA ESPIRITU NG KATOTOHANAN NA NASA MESIAS, SA PAMAMAGITAN NIYA AY KAILANGANG KILALANIN NG LAHAT ANG NAG IISANG PANGINOON, NAG IISANG CRISTO AT NAG IISANG DIOS.