27/05/2022
Opisyal ng binuksan ang palaro ng mga Kabataan " Senior and Junior Basketball and Women's Volleyball League 2022 " sa pamumuno ni Sk Chairman Jonalyn Jose kasama ng kanyang mga Sk Officials sa Barangay Rosario noong ika 21 ng Mayo taong 2022.
Lubos lubos din ang pagsuporta ng mga Brgy Officials sa pamumuno ni Brgy. Captain Robert Villegas sa naturang aktibidad ng mga kabataan para sa kanilang Brgy.
Ito ay dinaluhan ng mga magagaling at mga actibong referees ng bayan sa pamumuno ni sir Jessie Bacuyag (SBP Mun. Coordinator) at ang ating newly elect na si Sb Member Crystal Invierno at mga iba pang mga bisitas galing sa mga ibat ibang barangay.