24/03/2026
Hindi lang ito basta motor… 🏍️
Honda RS150 ko, nakuha kita noong 12/04/2017. Marami na ang nagsasabi na panahon na para palitan ka, na luma ka na raw at mas okay ang bago. Pero para sa akin, hindi ganun kadali.
Hindi mo lang ako dinadala sa pupuntahan ko… kasama kita sa bawat lakad, sa bawat biyahe, sa bawat alaala. Ilang taon na tayong magkasama' ulan, init, hirap at saya' magkasangga tayo.
Mas pipiliin ko pa rin ang sigurado at subok na, kaysa sa bago na sa una lang maganda pero hindi ko pa kabisado. Ikaw, kilalang-kilala na kita. Alam ko kung paano ka alagaan, at alam ko na hindi mo ako basta iiwan.
Hindi lahat ng luma pinapalitan…
Minsan, mas pinipili dahil sa halaga ng alaala. ❤️