Angkas Batangas Community

Angkas Batangas Community Angkas Batangas Community

🌀️ Umaaraw na, Ka-DAX!Humuhupa na ang ulan at unti-unti nang dumadami ang mga CS na naghahanap ng masasakyan.Biyahe na h...
21/08/2026

🌀️ Umaaraw na, Ka-DAX!

Humuhupa na ang ulan at unti-unti nang dumadami ang mga CS na naghahanap ng masasakyan.Biyahe na habang Byahe na!

Angkas Barkada Batangas β˜οΈπŸ‘Œ


11/08/2026

kuh! dumale, 🀣🀣🀣

07/08/2026
07/08/2026

MAY RAIN BONUS NGAYONGπŸ’Έ

Buhos ang bookings pag umuulan.
Mag-online na sa mga piling lugar para makuha ang Extra Kita!

β˜”Extra kita sayo per ride
β˜” Tuluy-tuloy ang bookings, mas malaki ang chance makakuha ng Rain Tips!

Ride safe at sulitin ang buhos ng kita!

aguuy! pwd na pala bumili online, makalantak nga ng bili. πŸ˜…
07/08/2026

aguuy! pwd na pala bumili online, makalantak nga ng bili. πŸ˜…

I-handa na ang inyong Reusable Angkas Raincoat! 🌧

Paparating na ang Tag-ulan. I-handa na ang inyong Reusable Angkas Raincoat para handa ka sa anumang panahon.

Ride Safe palagi, Ka-Dax!

Maaring bumili ng Reusable Angkas Raincoat dito:
πŸ›’ www.aks.fyi/AngkasLazadaStore
πŸ“https://aks.fyi/AngkasMakatiOffice

07/08/2026

🚨 ATTENTION SA MGA GUSTONG MAGING ANGKAS BIKER SA BATANGAS AT QUEZON! 🚨

Handa ka na bang maging sarili mong boss at kumita ng β‚±1,000 kada araw? πŸ’³πŸ’Έ

Dumayo na sa Angkas Trabaho Expo & Barangay Hiring ngayong Agosto! Tingnan ang poster sa ibaba para sa petsa at lokasyon na malapit sa 'yo:

πŸ“ Bauan, Batangas – Aug 1 & 15

πŸ“ Tanauan City, Batangas – Aug 6, 20, & 27

πŸ“ Candelaria, Quezon – Aug 8 & 22

πŸ“ Bolbok, Batangas – Aug 29

πŸ“‹ MGA DAPAT DALHING REQUIREMENTS:

Professional Driver's License

OR/CR (Official Receipt / Certificate of Registration)

NBI Clearance

Barangay Clearance o Police Clearance

Kung hindi sa'yo nakapangalan ang iyong motor, ihanda lamang ang alinman sa mga sumusunod na karagdagang dokumento:

Authorization Letter na may kasamang Printed ID (May tatlong pirma / 3 signatures)

Notarized Deed of Sale

Certification of Sale

Repo Sale Form

Mag-apply na at maging isang ganap na Angkas Biker!

Mga masasakit na katotohanan bilang isang Motorcycle Taxi Biker:Sa mga sunod-sunod na balita ng mga biker na pumanaw, pa...
18/07/2026

Mga masasakit na katotohanan bilang isang Motorcycle Taxi Biker:

Sa mga sunod-sunod na balita ng mga biker na pumanaw, paalala lang ito para sa ating mga kapatid na mctaxi bikers:

1. Hindi ito para sa lahat.
Para lang ito sa masipag, matiyaga, disiplinado, may dedikasyon, at mahabang pasensya. Kung kulang ka sa mga iyan, malamang hindi ka rin magtatagal. Magrereklamo ka lang, susuko, o matatanggal.

2. Mas masipag, mas delikado.
Habang dumarami ang naisasakay mo, tumataas din ang posibilidad na makatagpo ka ng pasaherong may masamang intensyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon, biyaya ang kapalit ng kasipagan.

3. Hawak mo ang oras mo, kaya hawak mo rin ang kita mo.
Kung madalang kang bumiyahe, huwag kang magreklamo na mababa ang kinita mo. Ang hanapbuhay na ito ay nagbibigay ng oportunidad sa masisipag. Kung maghapon kang tumambay, huwag kang umasa ng malaking kita.

4. "Extra income" kamo? Extra sakripisyo rin.
Hindi na gaanong praktikal ang pagiging part-timer. Sa baba ng pasahe, kakainin lang ng gasolina at top-up ang kita. Kadalasan, ang mga incentive ay pabor sa mga full-time na bumibiyahe.

5. Mahirap bumiyahe kapag umuulan, pero doon din madalas ang kita.
Paulit-ulit magsuot at maghubad ng kapote, para sa'yo at sa pasahero. Nakakapagod. Pero habang maraming umiiwas bumiyahe, mas dumarami naman ang booking para sa mga bumabyahe.

6. Ang traffic ay oportunidad, hindi kalaban.
Ayaw mong bumiyahe dahil traffic? Baliktad ang tingin mo. Kung walang trapik at mabilis ang lahat ng biyahe, mas kaunti ang pipili ng motorcycle taxi. Tandaan mo, kadalasan tayo ang pinipili dahil sa traffic.

7. Malaki ang tip kung maayos ang serbisyo mo.
Maraming pasahero ang nagsasabing, "Keep the change." Kung bihira mong maranasan, baka panahon na para suriin mo kung paano ka magserbisyo. Hindi nagbibigay ng tip ang pasahero sa bastos, tamad, o walang pakialam.

8. Malaking tulong ang pagsali sa grupo.
Diyan naipapasa ang diskarte, kaalaman, at mga update. Pero piliin mo rin ang sasalihan mo. Hindi lahat ng lider ay para sa kapakanan ng mga biker. May ilan na sariling interes lang ang inuuna.

9. Business partner ka, hindi empleyado.
Tantanan na ninyo ang linyang "freelancer" kayo. Umaasa ka sa app para magkaroon ng booking, at umaasa rin ang app sa maayos mong serbisyo para bumalik ang mga pasahero. Partner kayo. Gampanan mo ang parte mo. Maging ehemplo sa kalsada at mag-iwan ng magandang karanasan sa bawat pasahero.

10. Hindi ito panghabambuhay.
Darating ang panahon na hihina rin ang katawan mo. Habang malakas ka pa, mag-ipon, mag-invest, at magpundar ng negosyo o ibang mapagkukunan ng kabuhayan.

Kung may kontra ka sa mga 'to, ayos lang. Hindi lahat ng katotohanan masarap pakinggan. Pero kung puro reklamo ang ambag mo at ayaw mong magbago, baka hindi talaga para sa'yo ang hanapbuhay na ito. Tigilan mo pagiging biker β€”mangamuhan ka na lang ulit, iyakin!

abay! suminsay na mga Ka-Batang! dine laang sa Angkas Batangas HQ. Angkas Barkada Batangas Angkas Barkada MNL Powered by...
13/07/2026

abay! suminsay na mga Ka-Batang! dine laang sa Angkas Batangas HQ.

Angkas Barkada Batangas Angkas Barkada MNL

Powered by : Angkas



08/07/2026

Celebrating my 1st year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰

Address

Brgy. Marawoy
Lipa City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angkas Batangas Community posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share