23/05/2026
OFFICIAL STATEMENT OF SIKAD PILIPINAS
Ang Sikad Pilipinas ay patuloy na naninindigan para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino, lalo na sa ating mga nakatatanda na naging haligi ng ating pamilya at lipunan.
Buong respeto naming ipinapahayag ang aming suporta kay VP Inday Sara Duterte at kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagsusulong ng mga adhikaing nakatuon sa kapayapaan, kaayusan, at malasakit sa mamamayan.
Kami ay nananawagan sa Senado at sa Kongreso ng Pilipinas na bigyang prayoridad ang pagpasa ng Anti-Elderly Abuse Act upang maprotektahan ang karapatan, dignidad, at kaligtasan ng ating mga senior citizens laban sa anumang uri ng pang-aabuso, kapabayaan, at diskriminasyon.
Ang matatanda ay hindi pabigat sa lipunan — sila ay mga taong nagsakripisyo para sa kinabukasan ng bawat Pilipino. Panahon na upang masuklian sila ng proteksyon, respeto, at pagmamahal.
Kasabay nito, naninindigan din ang Sikad Pilipinas para sa pagkakaisa at mapayapang pag-uusap tungo sa mas matatag na bansa. Nanawagan kami sa lahat ng Pilipino na pairalin ang respeto sa magkakaibang pananaw at unahin ang kapakanan ng bayan kaysa pansariling interes.
Sikad Pilipinas Strong Intelligent Knowledge Action & Dedication Para sa Mamamayan Yes to Anti-Elderly Abuse Act Proteksyon para sa Nakatatanda at Karapatan ng Pilipino