3star Manufacturing entrp.

3star Manufacturing entrp. manunulat manufacturer

30/09/2025

“Mas mahalaga sa mga kababayan natin kung kaninong idolo ka tapat.
Bingi sa katwiran Ang taong may sinasambang idolo
Tandaan mo Yan
Sa mata nila, Tama sila

✍🏽Campesino

27/09/2025

“Ang idolo kailangan ng bulag na mananamba para mabuhay.”

✍🏽campesino

26/09/2025

“Mas mahalaga sa mga kababayan natin kung kaninong idolo ka tapat.

✍🏽Campesino

20/09/2025

Tandaan natin ....
Tayo ay mabilis maka Limot
ang sigasig natin ngayon
palagian sumisilakbo
ngunit
agaran din naman
ito'y Nag lalaho

itulad natin
sa salita
lubha natin
ninanais ang
pag kawala
sa kahirapan na dulot nitong Buhay
ngunit saan?
papano ?
wala naman tayo
sapat na lakas ng loob
na piliin ang
tama
ni ayaw nga natin
tumalon sa kawalan
at maghangad ng tunay
at totoong Kalayaan

Ayaw natin
mapagod
hindi totoo ang sakripisyo
walang katotohanan
ang palagian lumalabas sa ating bibig
na lahat ng ginagawa natin ay para
sa ating pamilya..

bakit?...

dahil walang
totoong plano para sa kanila
para sa KINABUKASAN...
Kung Hindi natin maiaayos
ang sitwasyon nang ating
Bansa

✍🏽campesino

20/09/2025

Sa Tuwiran palaging may pagbabago
na nagaganap
Parang Lagi tayo Tuliro
at gulong gulo
sa kung ano ang nararapat gawin
gayon may kanya kanya naman
tayong tungkulin

nararapat ba na palagian
umasa sa mga taga pag ligtas
lagi ba tayo aasa sa tulong
ng iba
hindi ba talaga natin
kayang panindigan ang
sarili

H'wag sana
makalimot na ang sobrang pag titiwala
ay nakakasasama din
sa pag hubog ng Sarili

Hindi din maayos tignan
ang pag asta
natin na tayo'y Birhen
na naghahangad
nang dalisay at wagas
sa pag ibig ng isang
P.U.T.A

✍🏽Campesino

11/09/2025

Ang totoong kaaway ng "PILIPINO",
ay ang "SARILI" nya

11/09/2025

✍🏽 Ang Bansang makasay-sayan
pinag-alayan ng Buhay
ngunit
Nang ang mamamayan
nag-umpisa nang Lumaya
ang dakilang kaalaman
napalitan na nang pang sariling Karunungan

_Campesino

11/09/2025

✍🏽El conocimiento te da este mundo, conocer a Dios te da tu alma, paz y amor

Campesino

11/09/2025

✍🏽 Tayong mga Pilipino
kailan ba tayo aahon
sa pagiging mahina sa
pag iisip
sagad lang tayo sa Karunungan
pero salat sa Kaalaman

madali tayo makalimot
sa mga kasay-sayan
na iniwan sa atin ng nagdaan

pilit hinahanapan
ng dahilan ang kamalian
para masabi lang na ito ay tama

kailan nyo ba maiisip o maalala man lamang
na lahat ng bagay na nangyari ay nagawa na simula pa lamang

pinipili nyo pa din na pamahalaan kayo
ng sarili nyo
iluklok sa Pamahalaan ang mga
magnanakaw
sinungaling
mangmang
tamad
at mga taong pang sariling interes
ang
uunahin o di kayay tapat
sa iisang tribo at samahan

hanggang kailan nyo
pasasakitan ang mga bata
sa hinaharap
gayon kayo at kayo lang
ang sya'ng dapat sisihin at may sala

may kapang yarihan tayo
pumili ng magaling na mamumuno
ngaunit ang inuuna
natin ay yun panandalian ginhawa
kaysa sa sariling dignidad

pagkatapos
sisihin nyo ang mga liderato
inyong hinalal na mamuno
sa inyo
marahil...

ito ang nag iisang tanda
na sobra na ang sakit natin
"KALIMOT"

_campesino

08/09/2025

Kung sakali mag nais tayo
nang isang kapangyarihan
sana ....
Mapanindigan din natin
ang Responsibilidad

✍🏽campesino

07/09/2025

Sa kahit ano naman
Larangan
may
dalawang persona
na nauudyok sa Tao
kung bakit sila nakagagawa
ng masama

"TAKOT
AT
PANGSARILING INTERES"

✍🏽 campesino

07/09/2025

Gusto ko din mapatunayan
na Kaya natin Maki-Digma
nang may
Kadakilaan at paninindigan

ngunit

madalas
ang sigasig natin ay
sumisilakbo
at agaran din
Nag-lalaho......

✍🏽campesino

Address

Malolos
000111

Telephone

+639223896216

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 3star Manufacturing entrp. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 3star Manufacturing entrp.:

Share