10/07/2022
I’ve resigned and released to save myself, my mental health, my life, my family and to have peace of mind!
Since I was started to work in a Shipping Company / Industry as a Shipping Agent , grabe yung competition, grabe yung mga agawan, mga taong gusto ng kapangyarihan ng position na umangat, kahit makasakit or makabangga ng ibang tao. Wala silang pakialam makuha lang lahat ng gusto nila sa buhay.
I don’t know kung paano ko natagalan ito ng mahigit 1 dekada. Marahil dito na ako dinala ni Lord eh.
Ako sinimplihan ko lang,
I just work hard, do my thing, my responsibility.
No need for any competition, show them what you can do kasi kilala mo sarili mo and alam na alam mo ginagawa mo. Ganyan yung mindset ko.
Sa ngayon na release na ako sa company kung saan ako nanggaling, grabe yung dinulot sa mental health ko na kulang nalang sumobra yung pag iisip mo na: “ginawa ko lang ang trabaho ko”, ”sumunod lang ako sa gusto para sa ikabubuti ng kumpanya” pero sobra yung ginawa nilang strategy para lang masira ako sa focus. After all na tumulong din ako maghanap ng kliyente.
From this day on, I just want to say na kung hindi tayo appreciated, hindi nila binibigay yung para sa atin and gagawan kapa ng kung ano anong mga issues na hindi mo naman ginawa, “SAVE YOURSELF”, “SAVE YOUR MENTAL HEALTH”. You know to yourself purely ginawa mo lang ang lahat para sa ikakaunlad mo.
Balang araw makikita mo kung saan ka talaga gusto ilagay ni Lord, na magpapahalaga sayo, sa kakayanan mo and ituturing kang kapamilya na kahit papaano isa ka sa dahilan para umangat ang isang kumpanya.
Lord, salamat at iniligtas mo ako, iniligtas mo sa mga taong manggagamit, mapanakit, mga taong hindi marunong magpahalaga sa mga tao nila and sisikapin ko parin gawin ang lahat, ipakita ang kakayahan ko para matulungan ang isang kumpanyang marunong tumanaw ng utang na loob sa mga tao nito.
Amen.
.08.2022