14/01/2026
MAGKANO BA ANG TUITION SA ETEEAP?
Kung ikukumpara ang gastos ng regular 4-year college program at ETEEAP, mas makikita na mas matipid at mas mabilis ang ETEEAP lalo na para sa mga working adult at pamilyado. Sa regular program (non-technical at non-medical) sa private university na may average na 1,000 pesos per unit, aabot ang tuition pa lamang sa 192,000 pesos. Kapag isinama ang assessment, learning materials, miscellaneous fees, graduation, at allowance sa board and lodging o transportation, ang total rough estimate ay nasa 466,000 pesos. Para naman sa mga kursong may field trip at OJT gaya ng Tourism at BSHM, maaaring madagdagan pa ng humigit-kumulang 200,000 pesos kaya aabot sa 666,000 pesos.
Samantala, sa ETEEAP, mas kaunti lamang ang kailangang i-enroll na units dahil marami nang subjects ang credited mula sa work experience at training. Karaniwang nasa 30–50 units na lamang ang kailangang i-enroll. Sa private university, ang estimated cost ay nasa 76,000 hanggang 96,000 pesos at kung technical o board degree maaari itong umabot hanggang 150,000 pesos. Sa state universities at SUCs, mas mababa pa ang gastos na nasa 26,400 hanggang 34,900 pesos at sa mga SUCs na free tuition, maaaring bumaba pa sa 22,400 pesos maximum. Sa kabuuan, malinaw na mas mababa ang total cost ng ETEEAP kumpara sa regular program habang mas convenient din dahil online, modular, o hybrid ang modality.