12/08/2026
Looking for Trailer Drivers and Helpers.
Magandang Araw po! Nangangailangan po kami ng mga Trailer Drivers na may lisensyang “8” o kaya ay “CE”. Para sa mga Isuzu Giga Max 6WG1 trailer trucks
Nangangailangan din po kami ng mga Trailer Helpers na may lisensyang “8” o “CE” na ite train namin na maging Trailer Drivers. Gusto po namin na ang Helper ay maging Trailer Drivers din, para umasenso din po sila
Kami po ang 1 Trade Logistics, Inc. Hindi po kami agency, Direct trucking company po kami. Ang mga kliyente po namin ay mga importers, exporters, freight forwarders, at Customs Brokers. Pang 25 units na po ang mga trailer trucks namin na puro Isuzu Giga 6WG1. Wala po kaming straight trucks, wala po kaming 10-wheeler wing vans.
Ang mga byahe po namin ay puro imports na 20’ at 40’ at back-to-back (combo), may konting exports, pero walang local. Sa MICP at South po ang pick-up. Ang delivery sites po ay Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan,Pampanga etc.
Minimum 15% Ng Net ang bayad namin sa Trailer Driver. Ibig sabihin, ang halaga ng bayad sa Trailer Driver ay depende sa layo ng byahe at sa bayad satin ng kliyente. Pero para sa mga magtatanong, Php 2,500.00 na po ang pinaka mababang bayad po namin sa Trailer Driver para sa 40’. Meron po kaming byahe ng back-to back sa Laguna na Php 3,500.00 per trip naman ang bayad namin at sa Pampanga back-to back din po ay Php 3,750. Paglabas ng Metro Manila, mas malayo, mas mataas po ang bayad.
Tuwing Sabado po ang sweldo dito sa amin. May SSS, PAG-IBIG, at PHILHEALTH na din po kami. May bago po kaming incentives na ipamimigay tuwing Christmas party mas masipag bumyahe, mas malaki ang tatanggapin na incentives sa Christmas party. May barracks naman po sa garahe, para sa mga drivers at helpers libre tubig, kuryente, maayos na CR at may ref at lutuan narin.
May surprise drug test po kami, pero kami naman ang gumagastos - bawal po sa amin ang nagda-drugs.. Mahigpit lang po kami sa Honor Code: bawal magsinungaling, bawal mandaya, bawal magnakaw - pag lumabag dito, sorry po. At pag nag positive sa drug test, sorry po. Yung mga umiiwas sa drug test, sorry din po. Bawal po sa garahe ang inuman. Bawal din po pumunta sa garahe ang sinuman nang lasing o nakainom.
May sarili po kaming Maintenance Team na binubuo ng Mekaniko, Electrician, Latero at Pintor
Ang opisina po namin ay nasa Unit 401 ECJ Building, Real St. cor. Arzobispo St., Intramuros Manila. Pwede kayo pumunta dito para mag apply tuwing araw ng Monday hanggang Friday, mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM. Magdala lang po ng bio-data o resume, Certificate of Employment, at NBI Clearance. Pwede nyo tawagan o itext si Arnold Gambayan sa 09989928647 or si HR Nix 09626756478 para sa interview nyo. Ang garahe po namin ay nasa 6406 Riverside St. Brgy. Tatalon, Ugong Valenzuela City.
Mag-apply na po kayo habang may bakante pa.
Paalala. Kung hindi po kayo pupunta sa opisina, hindi po kayo mai-interview. Kung hindi kayo mai -interview, hindi po kayo matatanggap.
Apply na po kayo.