25/07/2026
Story Time:
1:30 ng madaling araw. Nag aabang ako ng. Biglang may nag book. Pasay to Tandang Sora. 700 ang booking. Syempre nagswipe to accept ako agad at nakuha ko naman ang booking.
Tumawag ako at tinanong ko kung ano ang ikakarga. Sagot ng customer, motor daw at sasabay sya. Syempre sinabi ko mag add pag may sasabay.
Ang sagot nya sakin, “okay lang 200?”. Napaisip ako, aba! Hindi kuripot to ah. Sinabi kong okay na yun bossing.
Pag dating ko sa pick up location, unang una kong nakita ang phone nya sa motor. Nakita kong lalamove din sya. Pag dating ko, sinabi nya agad sakin, bossing pasensya ka na 200 lang madadagdag ko kasi maliit palang kinikita ko at alam ko kasing napakamahal ng diesel ngayon. Nasiraan kasi ako di ko alam bakit bigalng di umaandar” sabay tinesting nya sa harap ko na ayaw talaga umandar. Sabi ko naman “okay lang bossing”.
Nung naisakay na namin motor nya, at habang byahe, napaisip ako. Kapwa lalamove driver natin, alam ang maayos na presyo ng pag dagdag at nakakaunawa na mahal ang krudo ngayon. Hindi katulat sa ibang customer napaka buraot na 50 lang per head.
Nung dumating kami sa drop off bumaba ako. Sinabi nyang sandali lang may kakausapin lang sya sa tindahan na katapat ng pinaradahan ko. Narinig ko na humihiram sya ng 900 at isang skyflakes at babayaran nya daw mamaya pag nag byahe na daw sya ulit.
Pag kababa ng motor nya, nanghiram sya sa tindahan ng walis, at dali dali nyang winalisan ang loob ng sasakyan ko dahil daw nadumihan ng motor nya. Sabi ko “okay lang yan bossing, parte ng trabaho natin yan, kahit wag mo na linisan” pero tinuloy parin nya.
Alam kong nag hahabol din ako ng kita, pero napag desisyonan ko ilibre nalang ang booking nya, dahil nakita ko sa mga groups ng lalamove ang kinikita ng mga riders, at ang halagang 900 pesos ay napakasakit na. Tapos ipapagawa nya pa motor nya. Sinabi ko nalang sa kanya, wag mo na akong bayaran bossing. Tayo tayo lang din naman mga riders at drivers ang mag tutulungan, pare-parehas lang tayong laman ng kalsada araw araw.
Nakita ko na mejo napaluha sya nung sinabi ko iyon. At sabay sabi “Maraming salamat, malaking tulong ito sa akin at sa akong mga anak” (dahil single parent daw sya)
Isa pa, birthday ko naman ngayong araw. Walang man akong engrandeng celebration, nakaramdam naman ako kasiyahan sa pagtulong.
Eto ako ngayon, abunado sa commission at nag aabang ng next booking hehehe.
Ctto