06/08/2026
Isang taus pusong pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa aming nagdaang proyektong “Shoes The One” shoe for a cause project ngayong Agosto 6, 2026 sa SMX Convention Center. Sa aming mga partners sponsors at sa mga bumili ng mga sapatos maraming maraming maraming salamat po!
Nawa ay pagpalain tayo ng mahal na Panginoon sa ating mabuting hangarin na tulungan ang ating mga kababayan sa kanilang mga pangangailangan sa paraan na alam at abot kaya natin
Kami po ay masayang masaya na sa kabila ng masamang panahon ay naglaan tayo ng oras para harapin at makilala ang ating mga kabataan at kanilang mga magulang na masipag at malugod na nag-aalaga ng kanilang mga anak na may espesyal na pangangailangan
Muli po isang pagbati sa ating tagumpay sa ating hangaring makatulong sa ating mga kababayan at mga kabataan.
Ang pagpapala ng Panginoon ay sumaating lahat!
Our major partner and sponsors:
YAPAK COOLTURE
ONEAD PRINTING SERVICES
XV STUDIO
AUTOMANIC CAR PLAZA
AT SA MGA BUMILI NG MGA SAPATOS
DISCLAIMER:
HUMIHINGI PO KAMI NG PAHINTULOT SA MGA MAGULANG AT GUARDIANS NG MGA KABATAAN NA NASA LARAWAN NA PAYAGAN KAMING ILAGAY ANG LITRATO NG ATING MGA WARRIORS HINDI UPANG IPAHIYA SILA SUBALIT PARA MAGING INSPIRASYON SILA NG MGA KABABAYAN NATIN NA NAMUMUHAY NG NORMAL NA MARAMING DAHILAN PARA MAGING MAPAGPASALAMAT TAYO SA MAYKAPAL SA ATING MGA BIYAYA SA BUHAY. SA MGA GUSTO O NAIS MAHATID NG TULONG O FINANCIAL ASSISTANCE SA ATING MGA KABATAAN, MAAARI PO KAYONG MAKIPAG-UGNAYAN SA AMIN O SA PAMUNUAN NG SPECIAL KIDS THERAPY GROUP (SKTG) MULA SA KANILANG PANGULO.
AMIN PONG IKINALULUGOD ANG INYONG TULONG SA KANILA AT IPAGPAPASALAMAT NG BUONG PUSO!