02/04/2020
Para maging malinaw sa lahat pakibasa
PRES. DUTERTE'S PUBLIC MESSAGE
April 1, 2020
_______________________________________
Mga kababayan kong Pilipino, I am addressing you once again about the problem of COVID-19 pandemic. It is getting worse, so once again, I am telling you the seriousness of the problem, and that you must listen.
We are awaiting for God’s blessing na magkaroon tayo ng vaccine, either from sino diyan na bright boy—China, Russia, America. I’m sure kapag mayroon na sila, they will share it with the rest of the world.
In the meantime, habang naghihintay tayo, marami hong problema na pumuputok na. Hirap na nga tayo, wala nang trabaho, walang negosyo, and there are people who try to mess up with ‘yung kakaunti nating [supply]. Ang ating supply, hanggang diyan lang ‘yan ‘yung inabot kasi hindi natin alam ganoon kabilis. In two days time, patay ka.
So, we are trying to manage na lahat magkaroon equally. Equally is a goal. Pera pati pagkain. [Kung ano] 'yung parte ko, parte mo [din] 'yan. Pero maghintay kayo. Huwag ninyong gamitin ang pwersa.
I'm addressing the left na 'yung pambabastos ninyo, slamming about the distribution. Remember, kayong mga left, you are not the government. Naiintindihan ninyo yan? Hindi kayo ang nasa gobyerno, and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation. Intindihin ninyo 'yan.
Kaya huwag kayong mag-gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos nawala na itong COVID. Huwag ninyong subukan ang Pilipino. Do not try to test it. We are ready for you. Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you.
Ngayon, kapag kayo ang na-detain, bahala kayo sa pagkain ninyo. Kaysa ibigay ko sa inyong luko-lokong kagaya ninyo na panggulo, ibibigay ko na lang sa matino pati nangangailangan. Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo. Kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin.
Tutal wala pa namang pagkain, kung gusto ninyo ng barilan, eh 'di sige. Kung gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate.
My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay, na kapag ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead.
Kaysa manggulo kayo diyan, ilibing ko na kayo. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil.
Ngayon, tinanggal ko sa politiko [and distribution] kasi maraming reklamo. Tinanggal ko sa politiko 'yung distibution ng pera pati ang bigas na pagkain. Binigay ko kay Sec. Bautista lahat na 'yan kasi itong DSWD may sariling distribution network na 'yan, 'yung Pantawid [Pamilya]. So, idagdag na lang nila doon sa matatanggap doon sa recipient ng Pantawid [Pamilya]. Idagdag mo na lang ang pera na 'yan doon sa kanila kasi kanila 'yan. 'Yung pera na 'yan, inyo 'yan. Kaya lang hindi ko man maipagbigay lahat, and evenly, kami na sa gobyerno ang mag-distribute pati to determine how much.
Do not entertain doubts about dishonesty and corruption. Hindi panahon niyan ngayon. Not this time. Ako mismo ang nagsasabi. Kasi 'yung iba, nagdi-distribute, kina-cutting. Instead of 7, gagawing 5 doon sa itaas sa repacking. Kaya ngayon, DSWD na. At 'yung pera, DSWD pati si Sec. Galvez. Naintindihan ninyo yan? Wala na kayong [politiko]pakialam. Tinanggal ko na politiko. Puro na ito sa gobyerno. Mga military ito pero retired civilian na 'yan. 'Yung mga goods, bigas, kung ano pang iba ibigay ng gobyerno, bilisan ninyo at pagkain 'yan.
At mayroon tayo, sabi ko, mayroon tayong ginawang mga hakbang to sustain us, but only if there is order in the society. Kasi kapag magulo, walang order, walang distribution na mangyayari kasi inaagaw, ina-ambush. Kaya mapipilitan ako na sabihin huwag na huwag ninyong gawin 'yan kasi I will not hesitate to order to shoot you.
'Yun namang mga repacking, well, anyway, sa DSWD, but everybody else connected with the exercise of preparing the food and money, huwag ninyong kaltasan. Huwag ninyong kunan. I will not hesitate. Huhulihin ko kayo and I will detain you. Makakalabas lang kayo pagkatapos ng COVID-19, kung dadating. Kung walang dumating na pangkontra ng COVID-19, then hanggang matapos itong mundong ito, diyan ka sa kulungan. 'Yan ang gusto mo. Nag-warning na ako, gagawin mo pa rin. Eh 'di gusto mo. Hiningi mo 'yan eh. Hiningi mo 'yan.
Ang pera dadating. Ang pagkain, darating. Huwag lang kayo magulo para smooth. sa bisaya, pahapsay. Ayaw pahadloka ang gobyerno. Do not intimidate government. Do not challenge government. Matatalo kayo. Sigurado. Magtiis na lang siguro kayo na delayed delivery, pero darating 'yan at hindi ka magugutom. Hindi ka mamamatay sa gutom.
Ito namang isa, itong mga trabahante--mga doktor, mga nurse, health workers, attendants and all-- hindi makauwi ng bahay. Tinatapunan ninyo ng kung ano-anong mga chemicals na nakakasira ng katawan. Mas una silang mamamatay kaysa doon sa pasyente ng COVID-19.
'Yung mga tao na gumagawa ng ganoon, I am ordering the police to go around. Huwag kayong mag-istambay diyan sa istasyon. Maglakad kayo in tandem at maghanap kayo ng mga taong bastos, at kung mahuli mo, kung ano ang binubuhos niya doon sa health worker o sa doktor, ibuhos mo rin sa kanya. Para tabla. Bakit, ikaw lang ba ang marunong? Eh 'di tikman mo rin ang ginagawa mo and see if it would make you happy.
Uulitin ko, do not. 'Yung mga doktor, p*******a, pagpunta mo doon sa ospital , 'yan ang doktor na binuhusan mo, 'yon ang gagamot sa iyo sa loob ng ospital.
'Yung mga front liners, huwag kayong mag-alala. I will support and defend you.
Uulitin ko, ngayon, DSWD na [ang distribution] kasi sanay na sila sa distribution ng pera pati bigas. Sec. Galvez will help in the distribution of the money, or he can handle the distribution of the money while leaving Sec. Bautista to attend to other matters.
'Yan ang warning ko sa inyo. 'Yung distribution huwag ninyong i-delay.
Sabi ko, mayroon akong pinakulong, kung nakinig kayo sa radyo. At 'yung sa TV, baka magkamali ako, baka lang magkamali ako, this is the caveat, baka magkamali ako. May nakita akong traffic enforcer na lumapit siya doon sa tricycle na puno ng goodies at pinilit niyang kinuha 'yung isang balot at lumakad siya. I don't know if it was a joke or it was really intended for him at inuna lang niya, pero kung pinilit niyang kinuha ala nakaw, nakita ko sa ABS-CBN at na-retrieve ko 'yung footage, ipakulong ko siya. Kasali din siya doon.
O, kayong mga Kadamay, wala nang awa-awa, diyan na kayo, ang nahuli. I will not tolerate na sabihin mo na bitawan mga politiko, bitawan. So not play hero at this time because you will abet or encourage people to violate the law. Now is the time to set an example to everybody.
Hindi kasi ako sanay na takut-takutin. Not me. Let this be a warning to all.
Follow government at this time because it is really critical that we have order. And do not harm the health workers, the doctors, and everything, because that is a serious crime. At sabi ko sa police, siguro bawal man 'yan, pero ako na ang sasagot, ibuhos mo ulit doon sa nagbuhos sa mga doctor pati nurse. O kung kaya mo, ipainom mo lahat para matapos na ang problema natin.
Maraming salamat po.