30/04/2026
Ang lahat ng Empleyado ng MIAA ay inaanyayahang dumalo sa Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas ngayong Lunes, ika-4 ng Mayo taong 2026, sa ganap na alas-Otso ng umaga, na gaganapin sa "Audio Visual Room" ng Gusaling Pangasiwaan sa Paliparang Internasyonal ng Maynila.
Mananatili pa rin ang elektronikong pagpaparehistro/pagpapatala ng pagdalo sa bawat palapag ng MIAA Administration Building mula 7:30am hanggang 8:00am.
Maaaring puntahan ang nakatalagang MISD personnel sa bawat palapag ng gusali na tutulong sa mga empleyado, bago tumungo sa AVR.
Alinsunod sa "CSC Memorandum Circular 16 s. 2024 - Revised Dress Code for government officials and employees", ang lahat po ay hinihikayat na magbihis ng Tradisyonal na Kasuotan" (Barong Tagalog at Filipiniana)