26/03/2026
ANO NGA BA ANG "DOT" SA WALLET MO?
Isipin niyo ito na parang "science" ng ating digital na barya. May dalawa tayong kailangang maintindihan: ang Micro at ang Micron.
Una, ano ang MICRO? Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng Pi system na gumawa ng tinatawag nating Micro-payments. Sa madaling salita, ito yung paraan kung saan pwede tayong magbayad ng sobrang liliit na halaga gamit ang Pi.
Halimbawa, sa totoong buhay, mahirap magbayad ng 0.0001 sa tindahan kasi walang ganoong barya. Pero dahil digital ang Pi, ready tayo para sa mga ganitong transaction. Pwede kang bumili ng isang pirasong candy o magbayad para sa isang maliit na serbisyo gamit ang maliliit na hati ng iyong Pi.
Pangalawa, ano naman ang MICRON? Kung minsan, tinatawag din itong Nano sa ibang blockchain. Ang Micron ay ang pinakamaliit na unit o sukatan ng Pi. Ito yung kumbaga "sentimo ng sentimo."
Pagdating sa precision, ang Pi ay may pitong decimal places o 0.0000000. Ang pinakahuling digit, yung pang-pito sa dulo, ay ang tinatawag nating 1 Micron.
Bakit ba kailangan pa nating magkaroon ng Micro at Micron?
Heto ang pinaka-importanteng point para sa inyo:
Una, para ito sa Anti-Inflation. Kung sakaling dumating ang araw na maging sobrang taas na ng value ng 1 Pi, halimbawa ay katumbas na nito ang isang sasakyan, paano ka na bibili ng tinapay? Diyan na papasok ang Microns. Gagamit ka lang ng maliliit na fractions para pambayad.
Pangalawa, ito ay Algorithm-Based. Ang rewards mo sa validation, tulad ng natanggap ko, ay kinalkula ng system base sa bawat trabahong ginawa mo. Hindi ito round number dahil binibigyan ka ng computer ng reward hanggang sa huling Micron ng iyong pinaghirapan.
Pangatlo, Utility over Dollars. Hindi natin kailangan ang dollar conversion para malaman ang halaga. Ang 1 Micron ay may sariling value sa loob ng Pi ecosystem bilang pambayad sa maliliit na transaction fees o micro-services.
Sa madaling salita, ang Micro ay ang paraan ng pagbabayad ng maliliit na halaga, habang ang Micron naman ang tawag sa pinakamaliit na unit o sentimo ng Pi, yung pang-pitong digit pagkatapos ng dot.
Patunay ito na ang Pi ay dinisenyo para sa totoong gamit o UTILITY, hindi lang para sa display!
Ano sa tingin niyo, mas naintindihan niyo na ba ang halaga ng bawat decimal sa inyong wallet? Comment down below!