25/09/2022
Keep safe everyone 🙏
TROPICAL CYCLONE UPDATE #6:
As of 2:30PM, September 25, 2022 (Sunday)
Bagyong napanatili ang lakas, possibleng maglandfall sa Polilio Island, Quezon sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras base sa forecast track ng PAGASA. Signal No. 4 itinaas na sa Northern Portion ng Metro Manila (Marikina, Valenzuela, Malabon, Navotas, Quezon City). Siyudad ng Maynila, nasa Signal No. 3 pa rin.
Base sa pinakahuling update, ang bagyong si ay namataan 115km East ng Infanta, Quezon. Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na aabot sa 195kph at pagbugso na aabot sa 240kph. Kumikilos ito pa Kanluran sa bilis na 20kph.
Kung hindi magbabago ang bilis at direksiyon ng bagyo ay possibleng tumbukin nito ang probinsiya ng Quezon kung saan possibleng unang maglandfall sa Polilio Islands at babaybayin naman ang mga probinsiya ng Quezon-Nueva Ecija-Tarlac-Pampanga-Zambales area bago lumabas ng West Philippine Sea at possibleng hagupitin din and Hilagang bahagi ng Metro Manila.
Para sa Lungsod ng Maynila, asahan pa rin ang masungit na lagay ng panahon simula ngayong hapon hanggang bukas ng hapon. Asahan din ang malakas hanggang sa napakalakas na ulan na may kasamang malakas na bugso ng hangin sa mga nabanggit na oras. Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa Metro Manila at karatig na lugar, possibleng itaas din ito sa No. 4 sa susunod na oras habang papalapit ang bagyong .
Samantala, inaabisuhan ang lahat na maging alerto at mangyari ireport sa amin ang inyong emergency gamit ang numerong ito: 0932-662-2322.
Sa panahong ito, ligtas ang may alam!