24/06/2026
𝐂𝐀𝐋𝐋 𝐅𝐎𝐑 𝐃𝐎𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 📦
𝑻𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝑩𝒊𝒌𝒕𝒊𝒎𝒂 𝒏𝒈 𝑺𝒖𝒏𝒐𝒈 𝒔𝒂 𝑨𝒓𝒆𝒂 5A
“Huwag nating kalimutan ang paggawa ng mabuti at ang pagbabahagi sa iba, sapagkat iyan ang mga handog na kinalulugdan ng Diyos.” - Hebreo 13:16
Isang matinding sunog ang nanalasa sa Area 5 at Area 6, na nag-iwan sa marami nating kapitbahay na walang tirahan at kagamitan. Sa mga ganitong pagsubok tayo’y maaaring magabot ng tulong sa abot ng ating makakaya.
Ang 𝑨𝑫𝑽𝑰𝑪𝑬 𝒀𝒐𝒖𝒕𝒉 𝑺𝒆𝒓𝒗𝒊𝒏𝒈 𝑶𝒓𝒈𝒂𝒏𝒊𝒛𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 ay naglulunsad ng bolutaryong relief drive upang matulungan ang mga apektadong pamilya. Anumang uri ng donasyon ay malaking tulong at biyaya para sa kanilang muling pagbangon. Nangangako po kaming makakarating ang inyong tulong sa mga biktima ng sunog.
𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐝𝐨𝐧𝐚𝐭𝐞?
Tumatanggap po kami ng cash o in-kind donations tulad ng mga sumusunod:
𝐇𝐲𝐠𝐢𝐞𝐧𝐞 𝐊𝐢𝐭𝐬:
Sabon, shampoo, toothbrush, toothpaste, sanitary pads
𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐓𝐮𝐛𝐢𝐠:
Mga de-lata, instant noodles, bigas, at bottled water
𝐃𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐇𝐢𝐠𝐚𝐚𝐧:
Mga malinis na damit (para sa lahat ng edad), kumot, banig, at unan
𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐨𝐥: Diapers, gatas, at baby wipes
𝐆𝐚𝐦𝐨𝐭 𝐚𝐭 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐀𝐢𝐝:
Paracetamol, bitamina, alcohol, at bandages
Para sa maayos na koordinasyon at pagtanggap ng inyong mga donasyon, maaari ninyong tawagan o i-message si:
👤 𝗞𝗮𝗿𝗶𝘇𝘇𝗮 𝗢𝗿𝘁𝗲𝗴𝗮
📱 09814405907
Sama-sama tayong maging instrumento ng pagmamahal ng Diyos para sa Area 5 at 6. Maraming salamat po sa inyong kabutihan at walang sawang malasakit! Mayaman kayong pagpalain ng Panginoon!