Sariaya Municipal Cooperative Development Office

Sariaya Municipal Cooperative Development Office Improving the life of Sariayahin.

24/05/2026
24/05/2026

Simula nang inilabas ng DOST-PAGASA ang EL NIÑO ALERT, patuloy na nakararanas sa kasalukuyan ng paghina ng produksyon ng tubig na nagmumula sa mga bokal na pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Bayan ng Sariaya.

Lahat ng barangay ay makararanas ng paghina ng
suplay ng tubig na maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na gawain at maging sa kabuhayan.

Bilang tugon sa pangangailangan sa tubig ng ating mga kababayan, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng SWS sa pamamagitan ng page, SARIAYA WATERWORKS SYSTEM OFFICE
o tumawag sa 0993-805-5261.

Samantala, ang Sampaloc 1- Munting Bayan Water Source ay malapit na maging operational kung saan ito ay malaking karagdagang water volume na magsusuplay para sa kabayanan.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

Mayor Marivic T. Gayeta
HRMO Sariaya
MTO Sariaya
Sariaya - OMPDC
MISTU Sariaya
Sariaya Menro
Sariaya MSWD
Sariaya Bplo
Sariaya Mdrrmo
Sariaya Accounting
Sariaya Agriculture
Sariaya - MGAD
Sariaya Gso
Sangguniang Bayan ng Sariaya
Sariaya - Office of the Mayor
Sariaya Municipal Assessor
Sariaya - Budget Office
Sariaya MEO - Municipal Engineering Office
Sariaya Waterworks System Office
Sariaya Local Civil Registry Office
Sariaya Rural Health Unit
Sariaya - Office of the Municipal Administrator
Sariaya- Municipal Nutrition Action Office
Office of the Secretary to the Sanggunian - Sariaya
Sariaya Tourism Culture and the Arts Office
Sariaya Municipal Cooperative Development Office
Radyo Kaisahan 107.7 FM - Sariaya, Quezon

Congrats po proud Sariayahin🎉🎉🎉
07/05/2026

Congrats po proud Sariayahin🎉🎉🎉

Taos-pusong pagbati sa ating kababayang Sariayahin na si PBGEN MADELINE D. CACAO, Chief ng Center for Police Strategy Management (CPSM), sa kanyang natanggap na promosyon at pagkilala bilang nag-iisang babaeng pinarangalan sa hanay ng mga bagong star-ranked officers.

Isang malaking karangalan para sa bayan ng Sariaya na makita ang isang tunay na Sariayahin na patuloy na nagbibigay dangal sa larangan ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng husay, dedikasyon, at makabagong pamumuno. Ang inyong tagumpay ay patunay na ang galing at tapang ng mga Sariayahin ay kayang makilala sa pambansang antas.

Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa ating kabataan at sa bawat mamamayan na patuloy mangarap, magsikap, at maglingkod nang may puso at integridad.

Lubos po namin kayong ipinagmamalaki. Mabuhay po kayo at ang mga Sariayahin!

06/05/2026
06/05/2026

CEREMONIAL SIGNING OF USUFRUCT AGREEMENT

Bilang pagsasapubliko ng matibay na ugnayan ng Lokal na Pamahalaan ng Sariaya at Philippine National Police (PNP) tungo sa seguridad ng komunidad, isinagawa ang Pormal na Paglagda ng Usufruct Agreement ngayong hapon, Mayo 6 sa Balai Lingkuran. Ito ay ang pagbibigay ng karapatang gamitin ang lupang pag-aari ng pamahalaang bayan sa New Government Complex upang makapagpatayo ng bagong istasyon ng mga pulis.

Personal na lumagda rito si PBGEN Hansel M. Marantan, Regional Director ng Police Regional Office CALABARZON at PCOL Romulo A. Albacea, Provincial Director ng Quezon Provincial Police Office bilang mga kinatawan ng kapulisan at si Mayor Marivic T. Gayeta, Ina ng Bayan ng Sariaya. Dumalo rin dito upang tunghayan ang nasabing seremonya sina Vice Mayor Arlene M. Genove, Konsehal Vince Alcala, Konsehal Renz Marcuap, Konsehal Ryan Decena, Konsehal Jayson Obnasca, at si PLTCOL Marlon M. Manalo, Acting Chief of Police ng Sariaya Municipal Police Station.

Sa pamamagitan ng karagdagang istasyon ng kapulisan mas mapapabilis ang pagtugon sa krimen at emergencies sa ating bayan.

Mayor Marivic T. Gayeta
Arlene M Genove
Sariaya - Office of the Mayor
Office of the Secretary to the Sanggunian - Sariaya
Sangguniang Bayan ng Sariaya
Sariaya MEO - Municipal Engineering Office
Sariaya - OMPDC
Sariaya- Municipal Nutrition Action Office
Sariaya Municipal Cooperative Development Office
Office of the Municipal Budget Officer Sariaya
Ompdc Lgu Sariaya
HRMO Sariaya
MTO Sariaya
Sariaya - MGAD
Sariaya MSWD
Sariaya Municipal Assessor
MISTU Sariaya
Sariaya Menro
Sariaya Accounting
Sariaya Agriculture
Radyo Kaisahan 107.7 FM - Sariaya, Quezon
Sariaya Bplo
Sariaya Mdrrmo
Sariaya Rural Health Unit
Sariaya Local Civil Registry Office
Sariaya - Office of the Municipal Administrator
Sariaya Waterworks System Office
Sariaya Rhu
Sariaya Tourism Culture and the Arts Office
Sariaya Gso
Sariaya Municipal Library

Isinagawa ang Provincial Cooperative Development Council (PCDC) Full Council Meeting na may mahalagang layunin ng pagtal...
05/05/2026

Isinagawa ang Provincial Cooperative Development Council (PCDC) Full Council Meeting na may mahalagang layunin ng pagtalakay sa mga programa at direksyon ng sektor ng kooperatiba sa lalawigan. Tampok sa pagpupulong ang presentasyon ng Accomplishment Report para sa Taong 2025, gayundin ang pagbibigay-pugay sa mga opisyal na buong pusong naglingkod sa nakalipas na mga taon.
Sa nasabing pagtitipon, nagbigay rin ng mensahe ng buong pagsuporta ang Provincial Cooperative Development Officer na si Dr. Ana Clarissa S. Mariano, DVSM, EnP na nagpahayag ng patuloy na pakikiisa at dedikasyon ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapaunlad ng kilusang kooperatiba sa Quezon.
Kasabay nito, matagumpay ring naisagawa ang halalan ng mga bagong opisyal na siyang magpapatuloy ng pamumuno at pagpapaigting ng mga inisyatiba para sa patuloy na pag-unlad ng kooperatiba.
Taos-pusong pagbati sa mga bagong halal na opisyal na sina Perseverando Fajardo bilang Chairperson mula sa MCDC Atimonan, Gener Abordo bilang Vice Chairperson mula sa CCDO Tayabas City, Paz Bobadilla bilang Secretary mula sa PICPA, Nimfa Arias ang Treasurer na mula sa CCDO Lucena City, at si Marites Bagting bilang Auditor mula sa MCDO Sariaya.
Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon at maging gabay sa pagsusulong ng mas matatag, inklusibo, at maunlad na kilusang kooperatiba.
Mabuhay ang kooperatiba!


Sariaya PIO

04/05/2026

EXECUTIVE COMMITTEE MEETING

Nag-ulat ang mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Sariaya ng kani-kanilang mga naisagawa nitong nakaraang buwan at mga nakalatag pang aktibidad ngayong Mayo sa isinagawang Executive Committee Meeting sa pangunguna ni Mayor Marivic T. Gayeta ngayong umaga, Mayo 4 sa Mayor’s Conference Room ng Bagong Munisipyo.

Binigyang linaw rin dito ang mga naging concern ng taumbayan kaugnay sa iba’t ibang usapin upang bigyan ng agarang solusyon at kasagutan. Mas pinaigting rin ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan sa iba’t ibang ahensya na malaking ambag sa pagpapanatili ng maayos na komunidad.

Mayor Marivic Gayeta
Mayor Marivic T. Gayeta
Sangguniang Bayan ng Sariaya
Sariaya - Office of the Mayor
Sariaya - Office of the Municipal Administrator
HRMO Sariaya
PESO Sariaya
Sariaya - Budget Office
MISTU Sariaya
Sariaya - OMPDC
Sariaya MEO - Municipal Engineering Office
Sariaya Accounting
Sariaya Gso
Sariaya Agriculture
Sariaya Local Civil Registry Office
Office of the Secretary to the Sanggunian - Sariaya
SWS - Sariaya
Sariaya Municipal Cooperative Development Office
Sariaya Mdrrmo
Menro Sariaya
MTO Sariaya
PMSO Sariaya
Sariaya MSWD
Sariaya - MGAD
Sariaya Tourism Culture and the Arts Office
Sariaya Municipal Assessor
Sariaya- Municipal Nutrition Action Office
Sariaya Rural Health Unit
Radyo Kaisahan 107.7 FM - Sariaya, Quezon


Address

Sariaya New Municipal Hall Sitio Balite Brgy. Sampaloc 2
Quezon
4322

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sariaya Municipal Cooperative Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Sariaya Municipal Cooperative Development Office:

Share