09/06/2026
Magandang araw sa ating mga masisipag na drivers at operators ng MPM TODA MAGLIMAN
Tayo po ang itinuturing na buhay at dugo ng ating lokal na transportasyon. Araw-araw, sinasalubong natin ang init, ulan, at trapiko upang maghatid ng serbisyo sa ating mga mamamayan. Sa ating paggising sa madaling-araw upang maghanapbuhay, bitbit natin ang pangarap para sa atin pamilya, ngunit kaakibat din nito ang mga panganib sa kalsada.
Dahil dito, ang LGU CSFP sa pamumuno ng ating lokal na pamahalaan at Pakikipag ugnayan ng FEDTODA'S PRESIDENT kabilang ang atin MASIPAG na President Ginoong Alvin D. Manalese ay hindi papayag na tayo ay walang proteksyon. Ipinagkakaloob po sa atin ang Insurance Card na ito bilang kongretong kalasag at kasiguruhan para sa ating kalusugan at kaligtasan habang tayo ay pumapasada.
Layunin ng programang ito na bigyan tayo at ang ating mga mahal sa buhay ng "peace of mind". Kung sakali mang may hindi inaasahang aberya sa daan, may sandigan tayo na handang umalalay sa ating gastusin at medikal na pangangailangan.
Ang ating kapakanan ang ating prayoridad dahil ang bawat miyembro ay mahalaga. Patuloy po tayong magtutulungan para sa isang mas ligtas, mas maunlad, at mas protektadong komunidad.
Isang ligtas na pagbiyahe sa ating lahat. Mabuhay ang ating mga MPM TODA drivers!