14/07/2026
𝐏𝐀𝐆𝐊𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐎𝐒𝐎-𝐓𝐑𝐔
Ang 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 – 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐔𝐧𝐢𝐭 (𝐏𝐎𝐒𝐎–𝐓𝐑𝐔) ay taos-pusong nagbibigay ng pagkilala at pasasalamat sa drayber ng 𝐒𝐀𝐒𝐓𝐎𝐃𝐀, 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐡𝐢𝐬𝐞 𝐍𝐨. 𝟎𝟑𝟓𝟔, sa kanyang ipinakitang malasakit at kusang-loob na pagtulong sa isang motorista na nasiraan ng motorsiklo sa ibabaw ng Tulay sa Alaska .
Ang iyong agarang pagtugon at kusang-loob na pagtulong ay nagpapatunay na ang pagiging drayber ay hindi lamang tungkol sa paghahatid ng mga pasahero, kundi pati na rin sa pagiging handang umalalay sa oras ng pangangailangan.
Nawa'y maging inspirasyon ang iyong magandang halimbawa sa kapwa drayber at sa buong komunidad. Maraming salamat sa iyong malasakit at dedikasyon sa paglilingkod.
Public Order and Safety Office - City of San Pedro
City Government of San Pedro