24/11/2020
GENERAL REGISTRATION PARA SA MGA DRAYBER NA NAIS SUMALI SA SERVICE CONTRACTING PROGRAM, ILULUNSAD SA NOBYEMBRE 25
MAYNILA — Magkakaroon ng General Registration at Orientation Activity para sa mga kwalipikadong drayber simula sa Nobyembre 25 (Miyerkules) hanggang Nobyembre 29 (Linggo) para sa Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ito ay gaganapin sa Quezon City Memorial Circle Basketball Covered Court simula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Kabilang ang mga drayber ng pampublikong sasakhan sa mga sektor na pinakamalubhang naapektuhan ng pandemya. Kaya naman, naglunsad ng Service Contracting Program ang DOTr at LTFRB na layuning matulungan ang mga drayber na magkaroon ng siguradong kita sa kani-kanilang biyahe.
Paalala sa mga nais dumalo sa nasabing aktibidad, kailangang dalhin ang mga sumusunod:
- Original at Photocopy ng iyong Professional Driver’s License;
- Certification na pirmado ng inyong Operator na nagpapatunay na kayo ay awtorisadong drayber ng idineklarang unit;
- Dalawang (2) kopya ng photocopy ng valid ID ng inyong Operator (likod at harap) na may tatlong pirma ng inyong operator; at
- Photocopy ng OR/CR ng minamanehong Jeep.
Pinapaalala din na kailangang magdala ng sariling ballpen at magsuot ng face mask at face shield ang mga lalahok sa pagtitipon.
Inaanyayahan naman ng LTFRB na kung maaari, mag pre-register na sa mga sumusunod na pamamaraan:
1. Magrehistro gamit ang Google Form. I-click ang link na ito: https://tinyurl.com/ServiceContracting;
2. Magrehistro sa Door D, Ground Floor, LTFRB Central Office, East Avenue, Quezon City. Maaring mag walk-in mula 9AM hanggang 4PM, Lunes-Biyernes; o
3. Tumawag sa aming Hotline: 1342 at ibigay ang impormasyon na hinihingi ng aming personnel.
Ugaliing bisitahin ang LTFRB Official page para sa mga karagdagang impormasyon patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw.
Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845.
🇵🇭