19/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐: Umarangkada na ang libreng sakay ng Department of Transportation at iba pang mga ahensya ng pamahalaan mula 6am hanggang 8pm ngayong araw.
Itoโy bilang tugon sa utos ng Pangulo na tiyakin ang tuloy-tuloy at ligtas na biyahe ng mga pasahero sa kabila ng mga pag-ulang dala ng Habagat.
Kabilang sa mga seserbisyuhang ruta ng libreng sakay ang:
1. Quiapo to Fairview
2. Lawton to PITX
3. Divisoria to Cubao (via Nagtahan)
4. Baclaran to Monumento (via Taft)
5. Lawton to Muntinlupa (Starmall)
6. Heritage to Market Market
7. Monumento to PITx (Busway route)
8. Kalentong to Pasig
9. Buendia to Makati Avenue
10. Quiapo to Commonwealth
11. Marikina to Cubao
12. Sta. Mesa to Q. Avenue (via Araneta)
13. Baclaran to Sucat
14. Divisoria to Monumento
Nagdagdag na rin ng mas maraming vehicle assets ang ibaโt ibang ahensya para mas maraming pasahero ang maserbisyuhan. Sa ngayon ay 46 units na ang bumibiyahe para sa libreng sakay.
Katuwang ng DOTr sa pagbibigay ng libreng sakay ang Office of the President, Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority, Civil Aviation Authority of the Philippines, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Department of Energy, Department of Labor and Employment, at Philippine Army.
๐ต๐ญ