08/07/2024
ROADSIDE EMERGENCY ASSISTANCE IN THE CITY OF TAGUIG (REACT)
Para mas ligtas at maginhawa ang pagbiyahe ng mga motorista, ang lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng Traffic Management Office (TMO) at Mobility Office, ay naglunsad ng programang ROADSIDE EMERGENCY ASSISTANCE IN THE CITY OF TAGUIG (REACT).
Sa programang ito, agarang masusulusyonan ang mga vehicle breakdowns sa major roads sa Taguig sa pamamagitan ng pagbibigay ng LIBRENG serbisyo tulad ng towing (within Taguig area only), battery jump-start, flat tire replacement, at minor mechanical repairs at adjustments, at referral sa workshop "talyer" para naman sa mga major mechanical issues.
Ipinapatupad ang programang ito mula 6:00 A.M. hanggang 12:00 ng hatinggabi sa C6 Road, C5 Road, General Santos Avenue, DOST Area, at Cayetano Boulevard
Narito ang mga numerong maaaring tawagan:
Command Center Hotline:
(02) 8789-3200
TMO Hotlines:
Landline: (02) 8640-7006;
Smart : (0929) 631 5924; (0929) 631 5740;
Globe: (0977) 311 6359; (0945) 113 6059
Maaari din mag-message sa Traffic Management Office - City of Taguig page.