24/05/2022
Alam mo bang may blindspot ang malalaking sasakyan o trak?
Ang blindspot area ay bahagi sa paligid ng trak kung saan hindi nakikita ng driver nito ang mga katabing sasakyan dahil malaki at mataas ang harapan ng trak.
Kaya naman para sa lahat ng motorista: Huwag pumuwesto sa gilid o sumabay sa malalaking sasakyan. Mas mainam na dumistansya at paunahin na lamang ang mga ito para maiwasan ang aksidente.
Maging maingat sa pagmamaneho.