Tamogepa Transport Service Cooperative

Tamogepa Transport Service Cooperative Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tamogepa Transport Service Cooperative, Bus Line, Tarlac.

28/04/2026

Hinaing

Mananatiling may malasakit
kahit kami man ay nagigipit
ano pa ba ang masakit
ganito ang sinapit

ang mahal ng krudo
paano ito ako'y pamilyado
halatado na ako'y problemado
tensyonado hindi kalmado

Saan kukuha ng kwarta
para sa mga anak at pangmatrikula
Bakasyon ngayon kailangan mag ipon
para sa pasukan may baon

Hindi dito nagtatapos
dahil gusto ko may mapatapos
aminadong ako'y kapos
sanay na sa ulam na talbos

Saklolo! saklolo! tulungan niyo ako!
Diyos ko, tulungan mo ako

ang init ng panahon
di ko na kaya umahon
lugmok na ako at nakabaon
di na kaya maging mahinahon

ang hirap umasa
naghihinaing na sa harap ng masa
saan pa ba magpapalista
para di na maging raliyista

saan kakapit?
saan lalapit?
Diyos ko hawakan mo ako
isusumbong ko sayo lahat ng hinaing ko

tulong! tulong!
paano ako lulusong
ako'y usad pagong
ngunit alam kong may uusbong

mananatiling may tiwala
walang iba, kundi sa may likha
punasan mo ang aking luha
hindi habambuhay ako'y dukha

tatagan mo loob ko
mananalig sayo
Panginoon ko.

sulat at likha ni gel_02

28/04/2026
130 Pesos March 31, 2026. Arayy mo.. HUHUHU😭
31/03/2026

130 Pesos March 31, 2026. Arayy mo.. HUHUHU😭

PAUNAWA SA AMING MGA MAHAL NA MANANAKAYPABATID SA PUBLIKO - TRANSPORT HOLIDAYMarso 23, 2026 (Lunes)Sa ating mga minamaha...
20/03/2026

PAUNAWA SA AMING MGA MAHAL NA MANANAKAY

PABATID SA PUBLIKO - TRANSPORT HOLIDAY
Marso 23, 2026 (Lunes)

Sa ating mga minamahal na commuter at sa publiko:

Pinaaalam po namin na ang UNITED TRANSPORT 86% CONSOLIDATED ENTITIES OF THE PHILIPPINES - grupo na binubuo ng Transport Cooperative at Transport Corporation sa buong bansa ay mag-oobserba ng isang Malawakang Transport Holiday Nationwide sa Lunes, Marso 23, 2026, isang kolektibong aksyon bilang tugon sa patuloy at walang habas na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ginawa ang desisyong ito dahil sa lumagong pahirap sa sektor ng transportasyon sa pang-araw-araw na operasyon.

Ang pagtaas ng halaga ng petrolyo ay lubhang nakaapekto sa mga driver, operator at sa Bawat patak ng KRUDO ay parang Dugo na nawawala sa aming Kabuhayan.

Walang agarang Tulong na pinapaabot ang Gobyerno sa bawat kasapi ng Kooperatiba at Korporasyon.

PURO PANGAKO, PERO NAPAPAKO!

Dahil dito, mariing po naming ipinapaabot na sa buong araw na ito ay Mananatili sa Garahe ang aming mga units.

AANHIN PA ANG DAMO, KUNG PATAY NA ANG KABAYO?

Hinihingi po namin ang inyong lubos na pag-unawa at suporta habang tinatawag ng sektor ng transportasyon ang pansin sa agarang pangangailangang ito at humihingi ng agarang intervensyon ng ating Gobyerno upang matugunan ang epekto ng mataas na halaga ng petrolyo.

Hinihikayat namin ang lahat ng commuter na planuhin ang kanilang mga biyahe at gumawa ng mga kinakailangang pagsasaayos sa paglalakbay.

Layunin ng inisyatibong ito na bigyang-diin ang kasalukuyang sitwasyon ng industriya ng transportasyon at bigyan ng pangmatagalang solusyon para sa kapakanan ng mga operator, driver at ng publiko.

Salamat sa inyong lubos na pang-unawa at patuloy na suporta.

Inilabas ng:
UNITED TRANSPORT 86% CONSOLIDATED ENTITIES OF THE PHILIPPINES

Address

Tarlac
2300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tamogepa Transport Service Cooperative posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category