FOC Transportation - AH Transport

FOC Transportation - AH Transport Infanta to Lucena to Infanta bus transportation services.

The detour was brief. The journey continues. 🧡💚
01/11/2025

The detour was brief. The journey continues. 🧡💚

📢 OPISYAL NA DESISYON NG NLRC: ILLEGAL STRIKEPabor ang pasya sa FOC Transportation Corp. ⚖️Ipinababatid namin sa publiko...
30/10/2025

📢 OPISYAL NA DESISYON NG NLRC: ILLEGAL STRIKE

Pabor ang pasya sa FOC Transportation Corp. ⚖️

Ipinababatid namin sa publiko na batay sa desisyon ng National Labor Relations Commission (NLRC), ang isinagawang welga ng ilang kasapi ng unyon ay opisyal na idineklarang ILLEGAL STRIKE noong Setyembre 30, 2025.

~ FOC Transportation Corp.

19/09/2025
19/09/2025

Know how to compute your 13th month pay, separation pay, and retirement pay.

24/05/2025

📌 May nakatakda ng MANDATORY CONFERENCE sa NLRC kaugnay ng usapin na ito.

✅ Nasa proseso na ito, kaya iwasan muna ang mga HAKA-HAKA at PASARING.

✅ Hintayin natin ang RESULTA.

🤝 Respetuhin sana natin ang PROSESO.

Salamat po.

📣 PAHAYAG NG FOC Transportation: Walang UNION BUSTING. May malinaw na dahilan at usapan.📢 Hindi sinabi ng lider ng unyon...
23/05/2025

📣 PAHAYAG NG FOC Transportation: Walang UNION BUSTING. May malinaw na dahilan at usapan.

📢 Hindi sinabi ng lider ng unyon ang totoong alok kung kaya’t nahikayat ang nakararami na sumali sa welga.

Sa simula pa lang, ang offer ng FOC ay 13 days kada taon na separation pay. Nag-propose ang NCMB ng 2 days na dagdag kaya naging 15 days at karagdagan ding ₱5,000 cash.

📲 May chat pang nagpapatunay na nalaman lang nila ang proposal ng NCMB noong nasa welga na. May pagpayag sa empleyado.

📌 Nililinaw po ng FOC na wala itong layunin na buwagin ang unyon. Ang pagsasara ng kumpanya ay dahil nalulugi na ito at 9 na lang nag bus.

22/05/2025

‼️ PATUNGKOL SA WELGA NG UNITED RANK AND FILE ASSOCIATION OF FOC TRANSPORTATION CORP - FFW ‼️

👉🏻 Hindi totoo na tumanggi ang FOC management sa negosasyon. Simula pa noong Enero 2025 hanggang Abril 2025, humaharap ang FOC sa lahat ng patawag ng NCMB para sa pormal na dayalogo at pagresolba sa usapin ng separation pay.

😢 Ang kumpanya ay magsasara na dahil sa pagkalugi — iilan na lang o 9 na bus na lamang ang nakakabiyahe sa kasalukuyan. Dahil dito, ang separation pay ay batay sa batas: 13 days per year of service, kapag ang dahilan ay pagsasara ng negosyo.

🤝 Gayunpaman, pumayag ang FOC sa mas MATAAS na alok ng NCMB:

15 days + ₱5,000 cash assistance —
ngunit TINANGGIHAN ito ng unyon.

📝 Sa halip na dumaan sa tamang forum tulad ng NLRC, nagwelga ang unyon nang walang legal na batayan. Pati ang mga bus ng FOC sa Infanta ay hinarang, dahilan na din kaya nagsampa kami ng GRAVE COERCION case.

⚖️ Ngayon, ang FOC ay dumadaan sa LEGAL at mapayapang paraan. Nagsampa na kami ng petition sa NLRC para ideklarang ILLEGAL ang WELGA. Hawak na ng unyon ang kopya nito, pero WALA pa silang SAGOT.

📣 PANAWAGAN namin sa PUBLIKO:
Huwag basta maniwala sa maling impormasyon o FAKE NEWS!

👉🏻 Ang SEPARATION PAY ay hindi basehan para sa WELGA — may tama at legal na proseso para dito.

18/04/2025

Para sa aming mga minamahal na taga-tangkilik,

Pansamantala pong nakahinto ang biyahe ng aming 9 na bus dahil sa WELGA o STRIKE ng ilan sa 27 miyembro ng unyon.

Gusto lang naming linawin na HINDI pa po SARADO ang kumpanya, at ang pinag-uusapan ngayon ay tungkol sa posibleng pagbenta ng ilang ASSETS sa isang kooperatiba.

Dahil dito, maaga pa para pag-usapan ang SEPARATION PAY.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta!

Maraming salamat din po sa mga pribadong mensahe ng pag-suporta na ipinaabot sa amin tungkol dito. 🧡💚

Sa bawat HINTO, may pagkakataong MAGNILAY at MAGPASALAMAT sa mga biyayang patuloy na dumadaloy:• Hanapbuhay, sa kabila n...
17/04/2025

Sa bawat HINTO, may pagkakataong MAGNILAY at MAGPASALAMAT sa mga biyayang patuloy na dumadaloy:

• Hanapbuhay, sa kabila ng mga pagsubok
• Kalusugan ng isip at katawan
• Pamilya at kaibigang laging karamay

Have a blessed Lenten season. 💜

Sa bawat umaga ng pagbiyahe, dala namin ang pag-asa.

Sa bawat HINTO, may pagkakataong MAGNILAY at MAGPASALAMAT.

Panahon ito ng PAGTITIKA —pagninilay sa ating mga PAGKAKAMALI at PAGKUKULANG, upang matuto at magsimulang muli.

Kasabay nito, ang taos-pusong pasasalamat para sa mga biyayang patuloy na dumarating:

• Ang maayos na kalusugan,

• Ang hanapbuhay na nagbibigay kabuhayan,

• At ang tiwala ng mga taong aming pinaglilingkuran.

Salamat, Panginoon, sa bawat biyahe.

Gabayan N’yo po kami hindi lang sa kalsada, kundi pati sa aming buhay.

Mula sa aming pamilya dito sa FOC Transportation—isang taimtim na PANALANGIN at PASASALAMAT para sa lahat ng biyaya ngayong SEMANA SANTA 2025.





📷 CTTO

16/04/2025

Pahayag ng FOC Transportation Corp

Tugon sa Balitang “Walang Biyahe: Infanta-Lucena”
Abril 16, 2025

Kami sa FOC Transportation Corp ay nagnanais na magbigay-linaw sa kasalukuyang sitwasyon kaugnay ng pansamantalang pagtigil ng biyahe sa rutang Infanta - Lucena (vice versa).

Nauunawaan at kinikilala namin ang mga hinaing ng ilang empleyado, at kami ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa tamang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) upang maayos at mapayapang maresolba ang mga usapin.

Tungkol sa napapabalitang pagbabago sa pamunuan ng operasyon patungo sa isang kooperatiba, nais naming linawin na wala pa pong PINAL o OPISYAL na desisyon ukol dito.

Anumang hakbang na aming tatahakin ay isasagawa sa paraang legal, patas, at makatao, alinsunod sa umiiral na batas sa paggawa (labor laws).

Ikinalulungkot po namin ang abalang dulot nito sa aming mga pasahero at publiko.

Kaisa po kami sa pagnanais na maibalik sa normal ang operasyon sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

—FOC Transportation Corp Management

16/04/2025

Wala po muna tayong biyahe dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Magbibigay kami ng update sa mga susunod na araw. Salamat sa inyong pang-unawa!

Address

CM Recto Street
Tayabas
4327

Telephone

+63427933279

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FOC Transportation - AH Transport posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share