24/02/2023
Good Evening po :)
Updates and Announcement lang po :)
1st - Lahat po ng orders under Vivlio Agapis ay tatapusin until March po.
* HTGCH HARDBOUND - Due to some problems po na naencounter sa HTGCH Hardbound nastop po kami shipping. Marami po ang naging rejected copies kaya po nagdecide na lang po kami na hindi na namin ipagawa sa labas ang hardbinding. Inaantay nalang po namin (IMMAC) ang machine dumating next week para magtuloy-tuloy na po ang shipping ng hardbind. Humihingi po kami ng paumanhin sa naging delay ng libro. Pero rest assured po na this March matatapos na po lahat at hindi na po papaabutin pa na matapos ang buwan ng Marso.
* HTGCH PAPERBACK - ang mga naiwan nalang po dito ay ang mga walang SF at may kasabay.
NOTE: HTGCH Batch 1 books po ay maghintay na lamang ng announcement sa website namin. www.immacshoppe.com kung magkakaroon pa po. If ever man po magkaroon, paperback na lang po magkakaroon.
* GRACIA BONIFACIO BOOKS - this March na rin po ang shipping nito.
* THE RED EYED LADY - tapos na po ang shipping.
* ESTEBAN SERIES - nakapadala na po kami sa bulk orders. Individual naman po ay next week. Ready na po ang books nito, maglalagay nalang ng freebies.
* SAVAGE BEAST - Supposedly ngaun February po ang start. Nagkaroon lang po ng shortage sa supplies ng film. Next week pa raw po darating ang supplies. Thou may mga buo na rin po nitong books.
* POD - kung may concern pa po dito, pm nlang po sa page. Baka po kasi may hindi pa napadalhan.
2ND - Announce lang po namin na after mapadala lahat ng pending shipments ay opisyal na po namin isasara ang VIVLIO AGAPIS page. Hindi na po hahawak ang VA ng kahit na anong Self-Published books under Immac PPH. May mga exclusive distributor na po na maghahandle sa mga pre-orders. Tututok na po ang Immac sa printing para mapabilis ang production and shipments.
3RD - Lahat po ay pwede ng dumirekta ng pm sa Immac Watty Online Shoppe
4TH - Ang mga books na under Immac PPH ay nasa wesbite na po namin. Pwede rin po kayo duon magmessage.
Sa mga katanungan po, maaari lamang po imessage ang VA or Immac WOS dahil i-off comments ko po itong sa post.
AGAIN, I am very sorry for the delays. This is our first time na gumawa ng hardbound kaya ang laking adjustments ang nangyari. But we are waiting na lang sa machine to arrive po and magtutuloy tuloy na po production.
Thank you po!