28/11/2025
Magandang araw po sa lahat,
Ito po ang update sa tracking ng barko natin.
Ang una ko pong naipost ay November 17 ang dating.
Pero dahil nagkaroon po ng changes — maaaring dahil sa port congestion, stopover delays, o bad weather — nagbago po ang arrival date ng barko natin.
Base po sa latest tracking, ang dating ay December 1 na po.
Pagka-ayos naman po ng customs papers at pagkalabas ng container,
magde-deliver po tayo agad.
Sana po ay maunawaan ng lahat na wala po kaming kontrol sa galaw ng barko at ginagawa po namin ang lahat para maging maayos at mabilis ang proseso.
Maraming-maraming salamat po sa inyong pasensya, tiwala, at pang-unawa.